Isinilang Ang Kapatid Ko; Gamugamong Munti; Que Bobo Bobo (feat. Bayang Barrios, Lani Misalucha & Noel Cabangon)

Lyrics

Isinilang ang kapatid ko dise-nwebe ng
 buwang hunyo, mil otso siyenta sisentay-uno
 Dapitan ng alas onse't alas dose ng gabi
 Ng niluwal 'yang si Jose
 Bago bumilog ang buwan yan ang natatandaan
 Si ina ay lubhang nahirapan
 Si Paciano at si Jose, tanging anak na lalaki, ang siyam ay puro babae
 Sampu silang kapatid ko si jose ang ikapito
 Sampung taon ang tanda ko
 Siya'y lumaking masunurin,
 takot sa Diyos, masimbahin, sa ina nagsimula ng aralin
 Mali-mali ang 'yong pagbasa o inaantok ka
 lang ba, o naglalakbay na naman ang yong isipan.
 Naaaliw lang po ako sa munting gamugamo
 paikut-ikot sa apoy, tuwang-tuwa gustong-gusto
 May kasaysayan dito tungkol sa isang gamugamong matigas ang ulo
 Tulad ko po ba ang gamugamong iyan na
 mahilig magtanong ng kung ano at kung saan
 Shhhh. Making ka nalang...
 Gamugamong munti sa apoy ay naakit
 Ina ay nangamba binalaang wag lumapit
 Init ng apoy na naghahahalina, init ng tukso'y ang sayo humihila
 Sa dulot na liwanag ay wag kang mahumaling
 Sa dulot na liwanag ika'y aangkinin
 Gamugamong munti ay pailing-iling
 Ano kaya itong pinagkakait sakin
 Paglisan ng ina, gamugamo ay nagpasya
 Unti-tuning lumapit sa apoy ng lampara
 Habang lumalapit kanyang nadarama
 Kay sarap ng init di dapat mangamba
 At siya nga'y binulag nitong kapusukan
 Lumapit ng lumapit walang pakundangan
 Kay sarap na init biglaang bumagsik
 At siya ay tinupok singbilis ng sakit
 Ay anong sakit, anong hapdi ng sinapit
 Ay anong lungkot anong tindi anong lupit
 Gamugamong munti sa apoy ay nahalina
 Ang takot ng ina ay hindi nya alintana
 Init ng apoy na nakahahalina
 Init ng tukso'y sa kanya ay humila
 Ang dulot na liwanag ay nagaalok ng init
 Ang dulot na liwanag ay napakarikit
 Ang gamugamong munti ay mapalad na rin
 Tupok man ang pakpak ang pangarap ay naangkin
 Mayrong aral jan na dapat mong matutunan
 Sinag ng karunungan wag gaanong lapitan
 Ngunit ang liwanag ay napakarikit
 Matupok man ako maluwalhati ang pait

Audio Features

Song Details

Duration
08:04
Tempo
96 BPM

Share

More Songs by Gary Granada'

Albums by Gary Granada'

Similar Songs