Circulo Hispano-Filipino; Proyekto (feat. Noel Cabangon)

9 views

Lyrics

Simulan na natin at umpisahan
 Pulong-pulong natin, ng ating samahan
 Circulo Hispano-Filipino
 Circulo Hispano-Filipino
 Tayo ba'y kompleto na't naririto
 Kailan pa ba naging tayo ay kumpleto
 Circulo Hispano-Filipino
 Circulo Hispano-Filipino
 Atayde;
 Maximo Paterno
 Tulog!
 Graciano Jaena
 M.Paterno:
 Sabog!
 Pedro Paterno, Dela Serna, at Rizal
 Maximo Viola
 Excuse
 At Juan Luna
 Paos
 Jugo, Sanciangco, Esquiveles, at Vidal
 Lete
 Si!
 Zaragosa
 Hola!
 Aguirre
 Yow!
 Villanueva
 Moi!
 Atayde
 Huh?!
 Figueroa
 Achtung!
 Regidor
 Ole!
 Samahan ng mga katutubo at creole
 Mga Bata:
 Samahan ng mga Indio't Español
 Circulo Hispano-Filipino
 Circulo Hispano-Filipino
 Señor Atayde, ako'y may mungkahi
 Teka muna, magbunying Juan Luna
 Pwede kaya na ako ang mauna
 Español 1:
 Kayong mga bata, matatanda ang pakikinggan
 Punto de vistang kabataan ang inyong kinakailangan
 Español 2:
 Mapusok, umuusok, konting kibot
 Samahan ng mga bata't matatanda
 Di magkasundo, samaha'y sumasama
 Circulo Hispano-Filipino
 Circulo Hispano-Filipino
 Koleksyon, koleksyon, bunutin ang sinuksok
 Circulo'y di iikot kung pera'y di papasok
 Circulo Hispano-Filipino
 Circulo Hispano-Filipino
 Mga retiradong, mga pensionado
 Kayo ay mag-ambag para sa circulo
 Kaming estudyante, kapos palagi
 Kulang pa na pansugal at pangkape
 Asosasyong walang kwenta ay itigil na
 Walang misyon, walang kusa, at walang pera
 Circulo Hispano-Filipino
 Circulo Hispano-Filipino
 Huwag iwanan ang ating minimithi
 Huwag lumisan at magsama-samang muli
 Circulo Hispano-Filipino
 Circulo Hispano-Filipino
 Simulan na natin at umpisahan
 Simulan ang di masimu-simulan
 Circulo Hispano-Filipino
 Circulo Hispano-Filipino

Audio Features

Song Details

Duration
06:03
Key
8
Tempo
124 BPM

Share

More Songs by Gary Granada'

Albums by Gary Granada'

Similar Songs