Iskolar Ng Bayan

Lyrics

Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral
 Ay maging sagabal sa inyong edukasyon
 Huwag magpakababaw sa mga burgis na asal
 O pakadungo sa pansariling ambisyon
 Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
 Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
 Itong mga ito ay masyadong pulitikal
 Mga lengguwahe nyo ay sobra-sobrang radikal
 Ako'y magsusulat upang itong peryodikal
 Mapapakinabangan ng mga mag-aaral
 Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral
 Ay maging sagabal sa inyong edukasyon
 Suriin nyo, suriin nyo ang tunay na larawan
 At ihayag ang kalagayan ng ating lipunan
 Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
 Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
 (Ad lib)
 Hawak lang ng iilan ang ekonomiya
 Hawak ng dayuhan ang ating pulitika
 Ang ating kultura ay sa interes nila
 Ang ating kaisipa'y nababaog pala
 Huwag nating hayaang magparami pa sila
 Jojo, dito kay Lean ako ay may kaba
 Han'yo Mr. Tim, huwag kayong mag-alala
 Manmanan natin ang bawat kilos nila
 Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral
 Ay maging sagabal sa inyong edukasyon
 Basahin nyo, basahin nyo upang inyong malaman
 At upang ipaalam nyo rin sa taumbayan
 Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
 Iskolar ng bayan
 Iskolar ng bayan
 Singkolar ng bayan
 Iskolar na ba 'yan??
 Iskolar ng bayan, iskolar ng bayan
 Ows...!
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:15
Key
7
Tempo
116 BPM

Share

More Songs by Gary Granada

Albums by Gary Granada

Similar Songs