Gusto Ko Ng Baboy

4 views

Lyrics

Yeah
 Radioactive Sago Project is in the house
 Let's go, baby
 We're gonna bring it down
 Come on, come on
 Eto na, pare
 Gusto ko ng baboy, gusto ko ng baboy
 Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko
 Gusto ko ng baboy, gusto ko ng baboy
 Gusto ko ng ba, ba, baboy, man
 Alam n'yo, bata pa lang ako, mahilig na talaga ako sa baboy
 Lagi akong nagpapabili sa nanay ko ng baboy
 Sabi ko, "Ma, ibili mo ako ng baboy
 'Yung cute, 'yung pink, 'yung maliit, 'yung may ribbon sa leeg"
 Sabi ng nanay ko, "Bakit mo gustong magpabili ng baboy, anak?"
 Sabi ko, "Dadalhin ko sa 'skuwela
 Kasi, 'nay, lahat ng tao, mahilig sa baboy
 Malay mo, 'pag nakita ng mga teachers ko 'yung baboy
 Matuwa sila kasi gusto nila ng baboy, eh
 Baka bigyan pa 'ko ng mataas na grado"
 Ang sabi ng nanay ko, "Hindi mo pwedeng dalhin ang baboy sa 'skwela, anak
 Baka magkalat lang 'yan du'n"
 Sabi ko, "Nay, hindi mo ako naiintindihan
 Buo ang loob ko, dadalhin ko sa eskuwela"
 Kaya gusto ko ng baboy, gusto ko ng baboy
 Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko
 Gusto ko ng baboy, gusto ko ng baboy
 Gusto ko ng ba, ba, baboy, man
 Kaya no'ng lumaki na 'ko, hindi pa rin nawala 'yung hilig ko sa baboy
 Palagi ako nagtatrabaho para makabili ng baboy
 Minsan nga, nagagalit na sa 'kin 'yung asawa ko
 Dahil puro baboy, baboy, baboy na lang daw ang nasa utak ko
 Sabi niya, "Walang-hiya ka, puro ka na lang baboy, baboy, baboy
 Ang payat-payat mo naman"
 Sabi ko, "Walang-hiya ka rin, hindi mo 'ko naintindihan
 Baboy ang kailangan ng katawan ko, baboy ang kailangan ng katawan mo
 Baboy ang kailangan ng katawan nating lahat
 Hindi mo ba alam, ang nagpapatakbo ng mundo ay baboy, baboy, baboy?
 Hindi mo ba alam, diyos mo ay baboy? Baboy, tama
 Diyos natin ang baboy
 Kaya gusto ko ng baboy, gusto ko ng baboy
 Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko
 Gusto ko ng baboy, gustong-gusto ko ng baboy
 Gusto ko ng ba, ba, baboy, man
 Let's all roll!
 Kaya gusto ko ng baboy, gusto ko ng baboy
 Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare
 Gustong-gusto ko ng baboy, gustong-gusto ko ng baboy
 Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko
 Gusto ko ng baboy, gusto ko ng baboy
 Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko
 Gusto ko ng baboy, gustong-gustong-gusto ko talaga ng baboy
 Gusto ko ng ba, ba, baboy, man
 Alam n'yo, maraming klaseng baboy sa mundo
 May baboy na maliit, may baboy na medium-sized
 May baboy na extra large
 Pero kahit ano'ng gawin nila, baboy pa rin sila
 Pare-pareho lang 'yang mga baboy na yan
 Kahit ano'ng sukat, ano?
 May baboy na dilaw, may baboy na asul
 May baboy na pula, may baboy na puti
 May baboy na pink, may baboy na green
 May baboy na violet, may baboy na orange
 Pero kahit ano'ng kulay ang mga 'yan, baboy pa rin 'yang mga 'yan
 May baboy na matalino, may baboy na bobo, may baboy na macho
 May baboy na seksi, may baboy na bakla
 May baboy na mahirap, may baboy na mayaman
 Mas baboy ka kapag mayaman ka
 May baboy na businessman, may baboy na musikero
 May baboy na makata, may baboy na basketball player
 May baboy na baranggay tanod, may baboy na konsehal
 May baboy na mayor, may baboy na congressman, may baboy na pulis
 May baboy na teacher na nagtuturo ng kung ano-anong klaseng kababuyan
 Kaya wala na tayong magagawa, wala na tayong magagawa
 Napapaligiran tayong lahat ng baboy
 Teka, pag-isipan natin 'to, baka
 Ako, baboy, s'ya, baboy, ikaw, baboy, 'yun, baboy
 Hindi kaya baboy tayong lahat?
 Kaya ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy
 Ayoko na ng ba, ba, baboy, biik, ayoko
 Ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy
 Ayoko na ng ba, ba, baboy, man

Audio Features

Song Details

Duration
07:37
Key
9
Tempo
103 BPM

Share

More Songs by Radioactive Sago Project

Albums by Radioactive Sago Project

Similar Songs