Ang Bansa Ng Pambansa
4
views
Lyrics
Ang bansa ng pambansa Ang bansa ng pambansa, ng pambansa, ng pambansa Ang bansa ng pambansa Ang bansa ng pambansa, ng pambansa, ng pambansa May pambansang sagisag itong mahal kong bayan May pambansang bayani na si Gat Jose Rizal May pambansang awit din itong Lupang Hinirang Na pati ang pagkanta'y pagmumulan ng away Para itong pambansang alagad nitong sining Na ginawang aliwan, sa halip na aralin Kung bakit ang pambansang sayaw itong Tinikling O Sipa ang pambansang laro't laruan natin? Samantalang sa suntok tayong lahat sumikat Sa bawat pagwagayway ng pambansang watawat Kaya pambansang araw ay dapat na ilipat Sa laban ng pambansang kamao itatapat Ang bansa ng pambansa Ang bansa ng pambansa, ng pambansa, ng pambansa Ang bansa ng pambansa Ang bansa ng pambansa, ng pambansa, ng pambansa Kahit ang kahayupan ay ating dinakila Isa nga itong bangus na pambansa na isda Ngunit higit sa lahat, ang pinakapambansang Hayop ay ang kalabaw na may pambansang wika Kung agila nga itong ating pambansang ibon Bakit ito pa ay galing sa salitang Espanyol? Ginawa pang pundasyon ang kinathang "Haribon" Gayong may katutubong pangalan naman na si Banoy Mayro'n ding pambansang puno tayo sa narra Mayro'n ding pambansang prutas tayo sa mangga May pambansang bulaklak tayo sa sampaguita May pambansang damo ba na 'di marijuana? ♪ Ang bansa ng pambansa Ang bansa ng pambansa, ng pambansa, ng pambansa Ang bansa ng pambansa Ang bansa ng pambansa, ng pambansa, ng pambansa Ang bansa ng pambansa Ang bansa ng pambansa, ng pambansa, ng pambansa Ang bansa ng pambansa Ang bansa ng pambansa, ng pambansa, ng pambansa ♪ Palay, bigas, kanin lang ang dapat na igiit (palay, bigas, kanin) Palay, bigas, kanin lang na pambansang halaman sa panahon ng krisis (palay, bigas, kanin) Palay, bigas, kanin, palay, bigas, kanin lang at hindi letsong biik (palay, bigas, kanin) Palay, bigas, kanin lang ang pagkaing pambansa (palay, bigas, kanin) Kung 'di man pandaigdig (palay, bigas, kanin) Pambansang kanin, palay, bigas, kanin lang ang dapat na igiit (palay, bigas, kanin) Na pambansang halaman sa panahon ng krisis Palay, bigas, kanin lang (palay, bigas, kanin), palay, bigas, kanin lang at hindi letsong biik Palay, bigas, kanin lang ang pagkaing pambansa (palay, bigas, kanin) Kung 'di man pandaigdig
Audio Features
Song Details
- Duration
- 03:26
- Key
- 9
- Tempo
- 75 BPM