May Tibak At May Tibak
Lyrics
Alam ba natin kung ano ang tingin Ano ang tingin nila sa atin Bakit pa ba natin papansinin Kung ano ang tingin nila sa atin Para sa akin, mahalaga rin Mahalaga ring ating alamin Kung ano ang tingin, ano ang tingin Ano ang tingin nila sa atin Ano?! Anong klaseng demo 'yon, wala man lang nabugbog Ang mga tibak ngayon walang lakas ng loob Ni wala man lang naghagis ng mga molotov Walang mailalathala, walang mapapanood Di tayo mga gunggong na hanap lang ay away Sa halip na gulong ay magsunog ng kilay Dahil 'di ang mga bagay ang dapat na basagin Kundi isip at malay na naaalipin (May tibak at may tibak) May nagtitibak-tibakan (May tibak at may tibak) Depende sa tibak (May tibak at may tibak) Ang gusto kong tibak Alam sukatin ang layo ng mga bituin At ang 'pagkakaiba ng isda at ng pating Alam suriin, pulitikal na sitwasyon Ang diperensya ng vodka, whiskey at siok tong Kilusan ng kabataan ay hindi tumatagal 'Yan ay pansamantala habang nag-aaral Ni wala kayong masabing pundasyong teoretikal Nakikisakay lang sa labanang pulitikal Ang inaning tagumpay pinaghirapan ng husto Ang talino at gabay ay interes ng tao Huwag niyo sa amin isisi ang 'di nyo natamo Kung kayo'y walang silbi noong kabataan ninyo (May tibak at may tibak) May nagtitibak-tibakan (May tibak at may tibak) Depende sa tibak (May tibak at may tibak) Ang gusto kong tibak Nakakaunawa ng E equals MC squared Nakakasira pero marunong mag-repair Nag-aalaga ng bata, baboy at manok At 'pag may miting, hindi laging inaantok Sa aking pananaliksik ay aking natuklasan Mga kahindik-hindik na katotohanan Ang Marxismo-Leninismo, idolohiyang hungkag Sosyalismo, komunismo, sa Diyos ay labag Ang kanyang mga sinabing 'pagkahaba-haba Huwag na niyang pahahabain at lalong halata Si Padreng dalubhasa, patawarin niyo Ama At 'di niya nabasa ang kanyang pinupuna (May tibak at may tibak) May nagtitibak-tibakan (May tibak at may tibak) Depende sa tibak (May tibak at may tibak) Ang gusto kong tibak Marunong magbasa ng Marx, Mabini Mao Tse Tung Marunong maglaba, magsaing nang walang tutong Kunwari cool na cool "pag kaharap ang military Nakaka-Scrabble kahit walang dictionary ♪ Mahilig kumanta at mahilig maggitara At nakakahalata 'pag naririndi sila Ngunit higit sa lahat walang pinagtatakpan Marunong humarap sa sariling pagkukulang May tibak at may tibak May nagtitibak-tibakan May tibak at may tibak Depende sa tibak May tibak at may tibak Ang gusto kong tibak Ang tipo kong tibak Ang idol kong tibak Ang perfect na tibak Patay na tibak!
Audio Features
Song Details
- Duration
- 05:00
- Key
- 4
- Tempo
- 128 BPM
Share
More Songs by Gary Granada
Albums by Gary Granada
Similar Songs
Burgis
Gary Granada
Circulo Hispano-Filipino; Proyekto (feat. Noel Cabangon)
Gary Granada'
Isinilang Ang Kapatid Ko; Gamugamong Munti; Que Bobo Bobo (feat. Bayang Barrios, Lani Misalucha & Noel Cabangon)
Gary Granada'
Iskolar Ng Bayan
Gary Granada
Kahit Konti
Gary Granada
Kasya Sa Dalawa (feat. Himig Lipi)
Gary Granada'