Burgis

Lyrics

Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan
 Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan
 Ano ba ang kahulugan?
 Di ba't ang buhay ay bugtong
 Hiwagang mahiwaga
 Bakit ka pa magtatanong
 Kung sagot ay wala
 Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan
 Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan
 Di ba't ang buhay ay dula
 Ang mundo'y entablado
 Kung gayo'y sino'ng may gawa
 At may-akda nito
 Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan
 Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan
 Ang kaligtasan natin ay
 Sa langit, 'di sa lupa
 Di ba't ang ating sinasamba'y
 Sa lupa bumaba
 Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan
 Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan
 Ako ang sarili kong gabay
 Kanya-kanyang tadhana
 Mas maigi pa ang bangkay
 Sa lupa'y pataba
 Di ba't tayo'y mga daga
 Na nagpapaligsahan
 Kaya nga nangangamoy lungga
 Itong pamantasan
 Magaling, mahuhusay at sikat
 That's why we are in UP
 Mga samahang hindi mulat
 Sa masa'y walang silbi
 Ano ba ang kahulugan ng kahulugan ng kahulugan
 Ano ba ang kabuluhan ng kabuluhan ng kabuluhan
 Ganyan ang utak ng sanay
 Sa komportableng buhay
 Doon sa mundo ng mga gutom
 Doon tayo magdiskusyon!
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:49
Key
2
Tempo
94 BPM

Share

More Songs by Gary Granada

Albums by Gary Granada

Similar Songs