Tagapagligtas

Lyrics

Kahit ano mang laban
 'Di kita pinabayaan
 Hinding hindi kita iniwan
 Kahit kaylanman
 Kaya sana'y 'wag kang mangamba
 Hinding hindi ka hahayaan na
 Mawala sa piling ko
 Ituring mo 'kong alipin mo
 Na susunod sa lahat ng mga utos mo
 Basta dito ka lang kapit sa bisig ko
 'Wag kang mawala
 'Wag kang mangamba
 'Wag kang magtaka
 Bakit ba gan'to ako
 Dahil ikaw ang tanging kayamanan
 Na pag-iingatan ko sa habang buhay
 Madilim na mundo ay gawing makulay
 Ako ang 'yong tagapagligtas
 Tagasalo sa lahat ng mga kasakitan mo
 Dahil ikaw ang reyna ko
 Kaya mahal halika
 Sama tayo do'n sa paraiso
 Kung saan walang makapipigil sa'ting dalawa
 Ituring mong tagapagligtas
 Na palaging panangga lang ng puso mo
 'Wag ka nang mangamba
 'Wag ka nang muling matakot
 'Di ako aalis sa feeling mo
 Pangako na handa kang ipaglaban
 Kahit ano man ang kanilang iharang
 Ako ang kabalyero na makikipagpatayan
 'Pag ikaw ay kanilang sinugatan
 Ako ay alipin mo
 Na sa oras na kaylangan mo
 Tawagin mo lamang palagi ang pangalan ko
 Ikaw ay iingatan ko
 'Yan ang panghahawakan mo
 Tawagin mo lamang palagi ang pangalan ko
 Dahil ako ay nandito lang sa'yo
 Pangako 'di ko na hahayaang mga luhang pumatak sa 'yong mga mata
 'Yun ang dahilan kaya ako ay nandirito para 'yong panangga lang
 Sa bawat oras o sa tabi ko ay nasa maayos kang kalagayan
 Sa ano mang pagsubok na sa'tin dumaan
 Magkasama tayong dalawa at aking kinayanan
 Basta magkahawak kamay tayo
 Aking ipinapangako na hindi ka na mapapahamak
 'Di ko kaya na makita ka nasasaktan sa taong mali ang pag-aalaga't
 'Di ka kayang ipaglaban
 Hindi ka na muling masasaktan
 Isigaw mo lang aking pangalan ako'y darating para sa'yo
 Wala ng bagay pa na imposible para sa'kin
 Basta lagi kang kapiling at ang lagi mong isipin
 Na ang nais ko ikaw at kasiyahan mo'y dalangin
 Ang kahulugan ng buhay ay ikaw lang para sa'kin
 Daan na matarik man aking tatawirin
 Mapadagat o sa lupa kahit papawirin
 Basta ba na magkasama nating tatanawin
 Ang umagang magkahawak laging sasaluhin
 Ang mga luhang papatak sa'yo ako'y maaasahan mo
 Wag mag dadalawang isip tawagin ang pangalan ko
 Agad na dadating ako ang s'yang magtatanggol sa'yo
 Suungin ang panganib basta 'wag ka lang malalayo
 Tangan ko palagi ang pag-ibig mong nagsisilbing baluti
 Kahit sa'n man maparo'n nagagawa mong balutin
 Ang pagmamahal na sino man 'di makakahadlang
 Basta para ba sa'yo ako'y handang pumaslang
 Ituring mong tagapagligtas
 Na palaging panangga lang ng puso mo
 'Wag ka nang mangamba
 'Wag ka nang muling matakot
 'Di ako aalis sa feeling mo
 Pangako na handa kang ipaglaban
 Kahit ano man ang kanilang iharang
 Ako ang kabalyero na makikipagpatayan
 'Pag ikaw ay kanilang sinugatan
 Ako ay alipin mo na sa oras na kaylangan mo
 Tawagin mo lamang palagi ang pangalan ko
 Ikaw ay iingatan ko
 'Yan ang panghahawakan mo
 Tawagin mo lamang palagi ang pangalan ko
 Darating din agad
 Nang wala ng alinlangan
 Basta ba ang pangako sa iyo ay panghawakan
 Magtiwala ka lang sa akin iingatan ko ang puso mo
 Dahil ikaw ang kaylangan ko
 Dito sa mundong napakagulo
 Kaya kailangan ka
 Ikaw ang katuparan sa lahat ng kahilingan ko
 Na sinabi ko noon sa Kanya
 Kaya naman kahit parang ang daming harang wala lang
 Sa'kin dahil hawak ko ang mga palad mo
 Na nagpapatibay sa'kin tuwing hinaharap ko
 Ang mga pagsubok at ako'y gulong gulo
 Kaya sa'kin ay umasa ka na
 Dahil ika'y iingatan na
 Ako ang 'yong tagapagligtas
 Tagasalo sa lahat ng mga kasakitan mo
 Dahil ikaw ang reyna ko
 Kaya mahal halika
 Sama tayo do'n sa paraiso kung saan walang makakapigil sa'ting dalawa
 Ituring mong tagapagligtas na palaging panangga lang ng puso mo
 'Wag ka nang mangamba
 'Wag ka nang muling matakot
 'Di ako aalis sa piling mo
 Pangako na handa kang ipaglaban
 Kahit ano man ang kanilang iharang
 Ako ang kabalyero na makikipagpatayan
 'Pag ikaw ay kanilang sinugatan
 Ako ay alipin mo na sa oras na kaylangan mo
 Tawagin mo lamang palagi ang pangalan ko
 Ikaw ay iingatan ko
 'Yan ang panghahawakan mo
 Tawagin mo lamang palagi ang pangalan ko
 Darating din agad nang wala ng alinlangan
 Basta ba ang pangako sa iyo ay panghawakan
 Magtiwala ka lang sa akin iingatan ko ang puso mo
 Dahil ikaw ang kaylangan ko
 Darating din agad ng wala ng alinlangan
 Basta ba ang pangako sa iyo ay panghawakan
 Magtiwala ka lang sa akin iingatan ko ang puso mo
 Dahil ikaw ang kaylangan ko
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:24
Key
8
Tempo
101 BPM

Share

More Songs by Ex Battalion

Albums by Ex Battalion

Similar Songs