Dahil Sayo

Lyrics

Ex Battalion Music Entertainment
 Dahil sa 'yo nabago ang dati kong gawi
 Dahil sa 'yo kahit natalo ay 'di pa rin sawi
 Dahil nga sa aking pag-uwi
 Dahil nga heto ka sa 'king tabi
 Dahil sa 'yo
 Ah-ah sa wakas ay nabago na
 Ang dati kong ugaling masama ay naglaho na
 Nang dahil sa pinakitang kabutihan sa 'kin ay nagbago na
 Ikaw ang nagturo sa 'kin bumangon para
 Salamat sa lahat ng mga oras, mga araw
 'Di nagsawang umunawa palagi kang nandyan
 Mapa tama o mali man, mapa oo o hindi
 Nang dahil sa 'yo kahit talo hindi pa rin sawi, uh
 Akala ko kahit kailan ay 'di na magbabago pa
 Akala ko habang buhay na akong nakanganga
 'Yon pala hindi, 'yon pala mali
 Nang dahil sa 'yo kaya ang dati kong gawi
 Ay nawala, naging matapang pa
 Kaya salamat sa Diyos ikaw ang aking nakasama
 Dahil sa 'yo nabago ang dati kong gawi
 Dahil sa 'yo kahit natalo ay 'di pa rin sawi
 Dahil nga sa aking pag-uwi
 Dahil nga heto ka sa 'king tabi
 Dahil sa 'yo
 Walang salita na papantay sa 'yong mga ginawa
 Sa 'kin ang pangako mo'y mabago mo
 Mapalaho mo ang pagka gago ko, salamat sa 'yo
 Dahil dumating ka, asahan mo ay sinta
 Sa 'kin ay asahan mo na 'di na titingin pa
 Aking mata sa iba 'di na maghahanap pa
 Sa 'yo ako'y kuntento na
 Sino ba naman kasi na tao magnanais na ipagpalit pa
 Ang babaeng nagbigay sa 'kin sa mga panahong 'di ko mapa mukha
 Nagawa mong mapabago binigay mo ano man gusto
 Gusto na 'yan siguro, patunay na tayo'y tatagal
 At magmamahalan na walang lokohan
 Tandaan walang magiging dahilan para ikaw ay aking paglaruan pa
 Akala ko kahit kailan ay 'di na magbabago pa
 Akala ko habang buhay na akong nakanganga
 'Yon pala hindi, 'yon pala mali
 Nang dahil sa 'yo kaya ang dati kong gawi
 Ay nawala, naging matapang pa
 Kaya salamat sa Diyos ikaw ang aking nakasama
 Dahil sa 'yo nabago ang dati kong gawi
 Dahil sa 'yo kahit natalo ay 'di pa rin sawi
 Dahil nga sa aking pag-uwi
 Dahil nga heto ka sa 'king tabi
 Dahil sa 'yo
 Natagpuan ko na yata ang kinabukasan ko
 'Yung rason na nagpabago sa 'king magulong mundo
 Kaya nalimot nang tumagay
 Kuntento't masaya ang araw kahit 'di tumambay
 Natutunan magpahalaga, ngayon alam ko na
 Bawat sandali ay may saya 'pag kasama ka
 Biglang nag-iiba, parang nasa langit na
 Ngayon hindi na 'ko magtataka kung bakit ba
 Sa 'kin dumating ka, para sagipin nga
 Dating buhay kong ligaw sa 'yo pala papunta
 Kahit may baku pa, 'di na liliko pa
 Sa iba pa dyan uh, 'di na lilingon pa
 Dito ka lang sa 'king tabi, umaga, tanghali maging gabi
 Sa pagtulog ika'y panaginip, at paggising agad iniisip
 Laging dalangin sana huminto ang mga kamay ng orasan
 Kapag kasama ka na pakiramdam ko walang katapusan
 Akala ko kahit kailan ay 'di na magbabago pa
 Akala ko habang buhay na akong nakanganga
 'Yon pala hindi, 'yon pala mali
 Nang dahil sa 'yo kaya ang dati kong gawi
 Ay nawala, naging matapang pa
 Kaya salamat sa Diyos ikaw ang aking nakasama
 Dahil sa 'yo nabago ang dati kong gawi
 Dahil sa 'yo kahit natalo ay 'di pa rin sawi
 Dahil nga sa aking pag-uwi
 Dahil nga heto ka sa 'king tabi
 Dahil sa 'yo
 Nabago ang dati kong gawi
 Dahil sa 'yo kahit natalo ay 'di pa rin sawi
 Dahil nga sa aking pag-uwi
 Dahil nga heto ka sa 'king tabi
 Dahil sa 'yo
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:59
Key
4
Tempo
90 BPM

Share

More Songs by Ex Battalion

Albums by Ex Battalion

Similar Songs