Sana Ikaw Na Nga (feat. Bryan Chong)

Lyrics

Sa'yong mga mata parang nakita ko ang lahat
 Magandang bukas na kasama ko'y ikaw
 Kaya ngayon ito ang nais kong ilahad
 Ngayon ay kaya ko nang isigaw
 Ang dati ay hindi ko maintindihan
 Ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal
 Naging mas makabuluhan dahil sa'yo naramdaman
 Ngayon ang nais ko ay lagi lang sa piling mo
 At sana ay ikaw na nga
 Gusto kong masilayan ka bawat paggising ko
 At pwede bang ikaw na nga
 Binibini ko 'di mo 'ko binigo
 Binigyan mo ng kulay ang daigdig ko
 Pinapangako kong pag-iingatan ka
 Wala nang dahilan para sayangin ka pa
 Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
 Ikaw ang hinahanap
 Ikaw na sana sa'kin ngayon
 Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang tumayo sa kama
 Kapiling ko habang panahon
 Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
 Ikaw ang hinahanap
 Ikaw na sana sa'kin ngayon
 Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang tumayo sa kama
 Kapiling ko habang panahon
 Sana ikaw na nga
 Sana ikaw na nga
 Sana ikaw na nga
 Sana ikaw na nga
 Teka sandali huminahon ka
 'Wag ka munang umalis sa'kin makinig ka at
 Tumitig ka sa aking mga mata
 'Wag ka munang lumayo saan ba papunta
 Ang usapan na ito sa awitin ko na 'to
 Sasabihin ko na 'to sana 'wag kang malito
 Teka lang naman 'wag mo 'kong apurahin
 Cool ka lang 'wag mo sanang murahin (kaya pala)
 Ilang beses nabigo (kaya pala)
 Hindi na 'ko tumino (kaya pala)
 Ngayon ko napagtantong may isang katulad mo na mabubunggo
 Sa daang malubak doon ko natiyak na ikaw ang magpapatag
 At sa mundong madilim nang ika'y dumating hinatid mo ang liwanag
 Kaya gusto ko palagi na awitan ka
 Pag-aralan ko kung paano ba ingatan ka
 Lakbayin nang magkasamang kalangitan at
 Magsumpaan na palaging aalayan ka
 Nang buong pagtingin naka-focus ang mata
 Para na akong aneng kasi todo talaga
 Sa gabi ay dilat, hindi mapikit ang mata
 Bukas na 'ko matutulog iisipin pa kita
 Panaginip mo pa man dadayuhin pa kita
 Para 'di mo lang maisip na mag-isa ka
 Saan ka man makarating lagi akong darating
 Asahan mo palagi na handa kang sagipin
 Ikaw ay para sa'kin at ako'y para sa'yo
 Hindi pa man nakatadhana eh anong pake ko
 Basta sa'kin at malinaw gusto ko sa tabi mo
 Hanggang 'di ko na kayang idilat ang mata ko
 Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
 Ikaw ang hinahanap
 Ikaw na sana sa'kin ngayon
 Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang tumayo sa kama
 Kapiling ko habang panahon
 Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
 Ikaw ang hinahanap
 Ikaw na sana sa'kin ngayon
 Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang tumayo sa kama
 Kapiling ko habang panahon
 Sana ikaw na nga
 Sana ikaw na nga
 Sana ikaw na nga
 Sana ikaw na nga
 Isang tulad mo ang
 Isang tulad mo ang
 Siyang hulog ng kalangitan na hinihiling ko
 Kaya, sana ikaw na nga, sana ikaw na nga
 'Wag sanang mabigong kunin ang pag-ibig mo
 Kaya bumili ako ng singsing
 Sa sobrang kintab ay nagniningning
 Sa oras na ibigay dapat ay nandito pa rin
 Lahat ng pagmamahal at 'wag luwain
 Napakasarap ibigin ka kasi nga sinta ikaw ang tinitibok ko
 Napakasarap isipin na makapiling ka hanggang pumuti ang mga buhok ko
 Katabi kita matulog hanggang sa magising
 Kahati kita sa kumot kung sakaling lamigin
 At kung biyayaan man ng supling
 Darling sabay natin palakihin
 Kung sakaling may balakid paparating
 Dapat ay magkasabay pa rin nating haharapin
 At kung sino man ang maging papansin
 Sa mundo natin ay handa akong alisin
 'Wag kang magtaka ito'y natural talaga sa isang lalaki 'pag nakadama
 Ng tunay na pagmamahal sa binibining kakaiba
 Salita na mahal mo 'ko'y sapat na
 Talagang wala ng mas sasarap pa
 Pa'no pa siguro 'pag pinalad
 Ako ang naganap na sa'kin maikasal ka
 Hindi na pakakawalan
 Gusto kitang pakasalan
 Wala ng iba pang gustong makasama
 Hanggang sa huling hininga ikaw lang sana
 Makatuluyan ko
 Reyna ng buhay ko
 Lahat ay kaya kong gawin para lamang sa'yo
 At tangi kong hinahangad
 Na sana ay ikaw na nga
 Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
 Ikaw ang hinahanap
 Ikaw na sana sa'kin ngayon
 Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang tumayo sa kama
 Kapiling ko habang panahon
 Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
 Ikaw ang hinahanap
 Ikaw na sana sa'kin ngayon
 Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang tumayo sa kama
 Kapiling ko habang panahon
 Sana ikaw na nga
 Sana ikaw na nga
 Sana ikaw na nga
 Sana ikaw na nga
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:51
Key
3
Tempo
140 BPM

Share

More Songs by Ex Battalion'

Albums by Ex Battalion'

Similar Songs