Second Chance

Lyrics

Kung kaya ko lang bumalik sa nakaraa'y, aking gagawin
 Upang maitama ko ang mga maling
 Nagawa sa 'yo at 'di na muling
 Papalitan ako, oh
 Pwede ba natin na pag-usapan 'to?
 Ayokong mawala ka pa sa buhay ko
 'Di ko kakayanin 'to
 'Wag ka sa 'kin lumayo
 'Di ko kayang tumayo
 Dahil nga nasanay na ako't umasa na ako na nand'yan ka
 Palagi sa buhay ko, nasaktan kita pero 'di ko napuna
 Na umalis ka nang 'di nagpapaalam
 Dumating ka ngunit muling iniwan
 Dahil nga nagkulang gusto ko mapunan
 Lahat ng mali ko sa 'yo kasalanan ko
 (Alam kong) Niyapos ako ng tukso
 Dahil akala ko mas masaya kapag ganito
 Subalit hindi pala, 'di pala, hindi pala
 Mas masaya ako kapag ka nand'yan ka
 Dahil sa t'wing kasama ka'y ligayang nadama
 Ngunit dahil sa 'kin kaya wala ka na
 Sana maibalik ating nakaraan
 Bigyan mo 'ko ng tyansang ika'y mabalikan
 Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa
 Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na
 Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa
 Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa
 Sumpa kong gagawin
 Lahat itutuwid mga pagkakasala sapagkat
 Ayoko, 'di ko pala kayang malayo sa 'yo
 Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako
 Alam mo naman marami akong nagawa na mali
 Noong una pa lang
 Pero sana naman pagbigyan mo na pagkakataong
 Maibalik ang tiwala mo sa akin
 At 'di na sasayangin
 Para 'di ka na muling malayo sa akin
 Ating pagtibayin pa kung sakali na muling
 Mabuo ang ating
 Relasyon na nasira dahil sa akin
 Patawarin sa mga pagkakasala, ibalik na natin
 'Yung dating masaya na tayong dalawa't walang problema
 Kayang patunayan nang walang hanggan
 At tayo ang proweba
 Kasi ang totoo, ako'y labis na nanghinayang
 Sa 'king sinayang
 Pagmamahal ng iyong inalay sa 'kin
 Sinukli ko'y panlilinlang (panlilinlang)
 Ako ay lubos na nanghinayang
 Tapat pala ang inaakalang
 Hindi na kayang tumagal sa aming pagmamahalan (pagmamahalan)
 Mapatawad mo pa sana ako kung ako sa 'yo'y 'di nagtiwala (tiwala)
 Kaya nagawa ko tumingin sa iba
 Hanapin ang pag-ibig na akala ko'y wala na (wala na)
 Dahilan kung bakit sa 'kin nawala ka
 Mapayagan mo pa sanang makabawi (bawi)
 Mabalik muli ang ngiti sa 'iyong mga labi
 At saya muli sa 'kin mamalagi (lagi)
 Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa
 Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na
 Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa
 Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa
 Sumpa kong gagawin
 Lahat itutuwid mga pagkakasala sapagkat
 Ayoko, 'di ko pala kayang malayo sa 'yo
 Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako
 Kung ako lang ay nakuntento at 'di na nang gago
 Tinupad at 'di ipinakmo mo sumpa ko
 At pinangako sa iyo
 'Di sana'y 'di nanghihinayang sa mga bagay na
 Nasayang at ako ang dahilan kung ba't biglang natapos na
 Mapatawad mo na sana
 Nais ko'y ipaalam sa 'yo na 'di ko pala kaya kung wala ka
 Patawarin mo pa sana kung bakit ngayon lang ako nanghihinayang
 Na ikaw ay talagang walang kasalanan kung nagkulang ka
 'Di lang talaga ako nakapag intay na
 Iyong mapunan nang mga pagkukulang mo na sa akin nagawa
 Dahilan ko kung ba't kumaliwa ko
 Nagmadali at hindi ka inisip at sinilip
 Kalagayan mo sa pag-aakalang ang pag-ibig mo'y matibay
 At 'di bibigay
 Maiintindihan ngunit bumitaw ka
 Kaay ako ngayo'y naghihintay
 Pa rin at umaasa pang matutuwid
 Akin mga sablay at pagkakamaling nagbatid sa 'kin
 Sa wakas sa panghihinayang ko
 Pwede bang bumalik ka na sa akin, ayusin na natin 'to?
 Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa
 Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na
 Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa
 Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa
 Sumpa kong gagawin
 Lahat itutuwid mga pagkakasala sapagkat
 Ayoko, 'di ko pala kayang malayo sa 'yo
 Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako
 Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa
 Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na
 Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa
 Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa
 Sumpa kong gagawin
 Lahat itutuwid mga pagkakasala sapagkat
 Ayoko, 'di ko pala kayang malayo sa 'yo
 Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako
 

Audio Features

Song Details

Duration
05:04
Key
7
Tempo
142 BPM

Share

More Songs by Ex Battalion

Albums by Ex Battalion

Similar Songs