Mukang Malabo

Lyrics

Sa tuwing tumitingin ka, ako'y nahihiya (nahihiya)
 'Di ko maibaling ang mata
 Kasi mukhang malabo, ang maging tayo
 Sa tuwing tumitingin ka, ako'y nahihiya (nahihiya)
 'Di ko maibaling ang mata
 Kasi mukhang malabo, ang maging tayo
 Mahal, alam mo bang ikaw ang gusto?
 Sana ay mabatid ang aking gusto
 Gusto ko makasama ka
 Kung mamarapatin lang, mahal, lahat ibibigay ko (ibibigay ko)
 Kaso malabo na maging tayo
 Panay tingin na lang ako sa 'yo sa malayo
 Ano ba ang kailangan kong gawin? (gawin)
 Baka sakali na iyong mapansin
 Walang ibang gustong makasama
 Gusto kong makayakap
 Gusto kong maasawa
 Walang iba kundi ikaw
 Gusto kitang maisama
 Iharap sa dambana
 Dun tayo mangangarap at mangangako na ikaw lang
 Sa tuwing tumitingin ka, ako'y nahihiya
 'Di ko maibaling ang mata
 Kasi mukhang malabo, ang maging tayo
 Sa tuwing tumitingin ka, ako'y nahihiya
 'Di ko maibaling ang mata
 Kasi mukhang malabo, ang maging tayo
 Kahit na alam ko na hanggang tingin lamang ako
 Balang araw ay masusungkit ko din ang gintong puso mo
 Kahit paano ipagpilitan, malayo sa katotohanan
 Kung ang basehan ay pisikal mong katangian
 Nakaw na tingin lang ang tanging kaligayahan
 Dahil 'di pwede maghalo ang balat sa tinalupan
 Napakalayo sa 'kin ng posibilidad
 Kaya 'di ko magawa na sa hangin ipalipad
 Kuntento na lang sa titig, masabihan mang duwag
 Gustuhin ko man na lapitan ay napakailag
 Hanggang ngayon hindi ko inakalang mangyayari
 Na ang isang katulad mong sobrang gandang babae
 Ay mapapasa 'kin dahil sa pagbabakasakali
 Malabo na mangyari pero hindi imposible
 Sa tuwing tumitingin ka (tumitingin ka), ako'y nahihiya (nahihiya)
 'Di ko maibaling ang mata (maibaling ang mata)
 Kasi mukhang malabo (malabo), ang maging tayo (tayo)
 Sa tuwing tumitingin ka, ako'y nahihiya (nahihiya)
 'Di ko maibaling ang mata
 Kasi mukhang malabo, ang maging tayo (tayo)
 Matagumpay kong nakamit ang matamis mong oo
 Yo, yo, sa wakas ay natupad ang siyang pangarap ko
 Dahil ngayon, dahil ngayon (na maging tayo)
 Hawak ko na ang dating tanaw ko lang at silip
 Abot-kamay man ay 'di mahawakan, parang langit
 Ang isang dalagang sing kinang ng tala
 Na sa una'y 'di akalang simple lang
 Kaya 'di ko sinimplehan, aking diskarte'y itinodo
 At 'di na dumipende sa magulang mong deboto
 Sa 'king pagmamahal at pagnanais sa iyo
 Mukha man na tanga 'pag dumalaw sa inyo
 Pero 'di inaasahang ang lahat ng ito'y nagbunga
 Nagtiwala sa sarili, nawala ang pagdududa
 Na mapasa 'kin ka na dati lamang na pangarap
 Naging malinaw ang malabo ng ika'y mayakap
 Sa tuwing tumitingin ka (tumitingin ka), ako'y nahihiya (nahihiya)
 'Di ko maibaling ang mata
 Kasi mukhang malabo (malabo), ang maging tayo (tayo)
 Sa tuwing tumitingin ka (tumitingin ka), ako'y nahihiya (nahihiya)
 'Di ko maibaling ang mata
 Kasi mukhang malabo (malabo), ang maging tayo (tayo)
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:53
Key
3
Tempo
84 BPM

Share

More Songs by Ex Battalion

Albums by Ex Battalion

Similar Songs