Makakabawi Rin

Lyrics

Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo
 'Di ko na kailangan ng kung ano-ano, basta't ikaw palagi nand'yan
 'Wag ka ng mawawala
 Hayaan mong makakabawi ako
 Alam kong marami ka ng tiniis para sa akin
 Mga paratang nila na halos wasakin ang tiwala mo sa akin, nagawa mong patawarin
 Salamat sapagkat nakuha mo na palawakin ang pang-unawa mo
 Kaya naman ngayon kapiling na kita sabihin man nila
 Ako man ay alipin mo na nga
 Pasensya na kung dati utak mo ay nalason nila
 Ang mahalaga ngayon sa 'yo ako at sa 'kin ka na nga
 Hayaan mo, makakabawi na ako sa 'yo at ng mapatunayan ko sa 'yo
 Ikaw lang at walang iba
 Kung gaano kita kamahal kahit na nagkamali ako noon kaya nagalit ka
 Pero napatawad mo ako sa kabila ng mga kasalanan ko sa 'yo
 Kahit na marami ang gumagatong sa 'yo, nalinawagan ang isip mo
 Ngayon ako sa 'yo ay babawi na
 Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
 Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
 'Di ko na kailangan ng kung ano-ano, basta't ikaw palagi nand'yan
 'Wag ka ng mawawala
 Hayaan mong makakabawi ako
 Hayaan mo na makabawi sa mga pagkakamali na nagawa sa 'yo (nagawa sa 'yo)
 Oh, hayaan mo, ako'y babawi na (babawi na)
 'Di ka na muli pang iiyak (iiyak)
 Asahan mo ang puso mo ay hindi mabibiyak
 Ano man ang dumaan sa atin ay palagi lang nandiyan
 Ano man ang nagawa ko sa 'yo ay nanatili ka lang
 Kaya wala ng iba pang mahihiling
 Kahit papiliin ako ay ikaw pa rin (ikaw pa rin)
 'Wag ka lang mawawala, 'yan ang tanging dasal ko sa buong Maykapal
 Ganyan ka kamahal
 Tumagal man ang panahon
 Mananatili pa rin na ganun (mananatili pa rin na ganun)
 Hinding-hindi na magbabago (bago)
 Ikaw pa rin ang mahal ko
 Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
 Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
 'Di ko na kailangan ng kung ano-ano, basta't ikaw palagi nand'yan
 'Wag ka ng mawawala
 Hayaan mong makakabawi ako
 Salamat sa 'yo
 'Pagkat ako'y tinulungan mo
 Bumangon sa lahat ng mga pagkakataon
 Ako'y nadadapa (nadadapa)
 Hinawakan mo't hinila ang aking kamay
 Hindi mo hinayaan na ako ay malumbay
 Ikaw ang nagbigay ng kasayahan sa 'king mga labi
 Tinuruan mong tumawa kahit ang tadhanang madilim
 Kaya naman ako'y lubos na nagpapasalamat dahil 'di mo binitawan
 Kahit minsan, nagkasugat ka
 Tuloy lang sa paglaban, ako sayo ay hanga kaya naman
 Ang tanging ganti sa 'yo'y salamat at ako sa 'yo'y babawi
 Asahan mo palagi, hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay mo sa 'kin mas pagtitibayin
 Wala akong sasayanging oras para makabawi
 Sa 'yo ko lalaan ang buong buhay ko
 Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
 Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
 'Di ko na kailangan ng kung ano-ano, basta't ikaw palagi nand'yan
 'Wag ka ng mawawala (ah, ah)
 Hayaan mong (yo) makakabawi ako
 Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo (kabutihan mo)
 Sa pag-unawang binigay at sa pag-intindi mo (pag-intindi mo)
 'Di ko na kailangan ng kung ano-ano, basta't ikaw palagi nand'yan
 'Wag ka ng mawawala
 Hayaan mong makakabawi rin ako (makakabawi ako)
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:20
Key
4
Tempo
88 BPM

Share

More Songs by Ex Battalion

Albums by Ex Battalion

Similar Songs