Hindi Lahat

Lyrics

Walang imposible sa pangarap na mataas
 Kung gagamitan ng talino't ibubuhos ang lakas
 Ano pa man ang negatibong nakalaan
 Ay may magandang kapalaran kung masosolusyunan ito
 Ang pinakamagandang aral kong napulot
 Iwasan ang damdaming negatibo lang ang dulot
 Mangarap at gumalaw
 Sa likod ay tumanaw
 Kung mabigo ay bumangon ka lang muli
 'Wag bumitaw
 Basta alam mong ika'y nasa lugar
 Masaya ka sa napili 'yon ang sumatutal
 Kadalasan nangyayari sa 'tin 'yung wala sa plano
 Dahilan upang mas magsumikap tayo na manalo
 Marami man ang taong sayo'y sumasaludo
 'Wag magpakasiguradong kasama mo hanggang dulo
 Wala sa ginagawa mong kabutihan ang rekado
 Dahil dito sa mundo, permanente ang pagbabago
 Mundo ko'y umiikot
 May mga bagay na hindi inaasahang darating
 May mga bagay na wala sa plano
 'Yun ay kung papa'no sa buhay mo ay dadali
 Kaya 'wag magpadala
 Pagsubok lang 'yan
 Kung napapagod na itulog lang 'yan
 Kasi hindi naman lahat na gustuhin natin maaring matupad
 Kung minsan ay sumasang-ayon
 Ang tinadhana sa reyalidad
 Subalit 'di naging sagabal kahit na ako'y babad
 Sa pagnanais makamit na maabot itong lahat
 Hindi masayang ang pinagpaguran aking inangkat
 Ang hakbang na patungo sa napipintong pag-asa
 Marami man sila sa 'king likod na humihila
 Ako ang gagawa ng kwento
 Palaging positibo mag-isip na ikaw mismo ang sa akin sasaludo
 'Di baleng madapa ng minsan
 Hindi mapanghinaan, may kumpyansa sa sarili, 'di takot na masugatan
 Magbubukas din ang pintuan
 Aayon din ang lahat sa gusto ko na marating
 Ako'y meron pa mang buhay
 Mundo ko'y umiikot
 May mga bagay na hindi inaasahang darating
 May mga bagay na wala sa plano
 'Yun ay kung papa'no sa buhay mo ay dadali
 Kaya 'wag magpadala
 Pagsubok lang 'yan
 Kung napapagod na itulog lang 'yan
 Kasi hindi naman lahat na gustuhin natin maaring matupad
 Napaka-imposible na mangyari kahit plano ka ng plano
 Hindi lahat matutupad kahit makipagtalo
 Dadaan ka muna minsan dun sa butas ng karayom
 Kailangan munang madapa bago ka makabangon kasi
 Hindi naman madali
 Hindi mo maikubli, nahihirapan ka rin kahit na panong gawin
 Hindi gano'n kadaling makuha, kailangan munang
 May humalong dugo sa 'yong luha
 Bago makamit, makuha ang lahat
 Bakit nga ba 'di pa rin sumasapat ('di pa rin sumasapat)
 Imposible na magagawa lahat kasi hindi naman lahat ng gusto ko'y matutupad
 Kaya 'wag magpadala
 Pagsubok lang 'yan
 Kung napapagod na itulog lang 'yan
 Kasi hindi naman lahat na gustuhin natin maaring matupad
 Mundo ko'y umiikot
 May mga bagay na hindi inaasahang darating
 May mga bagay na wala sa plano
 'Yun ay kung papa'no sa buhay mo ay dadali
 Kaya 'wag magpadala
 Pagsubok lang 'yan
 Kung napapagod na itulog lang 'yan
 Kasi hindi naman lahat na gustuhin natin maaring matupad (matupad)
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:38
Key
4
Tempo
88 BPM

Share

More Songs by Ex Battalion

Albums by Ex Battalion

Similar Songs