Darating Din

Lyrics

Oh-oh, oh-oh-oh (yow, uh)
 Darating ang panahon, magiging akin ka
 Kahit 'di pa man ngayon, pursigido ako na kuhain ka
 Basta sabihin mo na lang sa 'kin kung pwede na
 Kung okay na, kung kailan ka handa
 Sasamahan kita magdamag, araw-araw magkikita
 Mag-uusap hanggang pagtanda
 Dahil ako ay lubos na lubos
 At taos-pusong umiibig, walang makakahadlang
 Sa 'yo, aking panahon, ibubuhos
 At pangako sa iyong hinding-hindi ako mananabang
 Kahit na sino pa'ng dumating sa 'king buhay
 Hinding-hindi kita 'pagpapalit, pangako 'yan
 Dahil ikaw ang pangarap ko mula pa dati
 Kaya ako ay nasasabik na makamit, alam mo 'yan
 Kung papalarin nga lang ay walang minutong lumilipas
 Na 'di ako sa 'yo humahalik
 Kaya sana sa pagdating ng panahon
 Tayong dalawa na at ang singsing sa kamay mo ay ikakabit
 Darating din ang araw na tayo'y magsasama
 Puso'y 'di magsasawang maghintay
 Kalakip ang pag-asa na magiging tunay
 Magiging tunay, magiging tunay
 Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay
 Handa ako na maghintay sa 'yo kahit matagal na panahon
 Darating rin ang tamang araw na sa 'kin ay magiging akin ka
 Ang katulad mo na binibini, sa 'kin, 'di ka magsisisi
 'Pag nangyari ang hiling ko na mapasa'kin ka
 Sobrang mahal kita kung alam mo lang
 Sana makita mo tunay at walang halong pangangamba
 Ang pag-ibig ko sa 'yo ay 'di na magbabago, sana'y alam mo 'yon
 Kung tadhana man nagplano
 Kung paano guhit nitong mga palad natin ay mabago
 Madala ko kung sa'n ka ba n'ya idadako
 At isang araw, sa paglalakad ay mabangga ko
 Ang dalaga na sa 'kin nagsisilbing bahaghari
 Ang pinakamakislap na bituin
 'Di kita susungkitin bagkus hahayaan kang mahulog din
 Sa 'kin at umasa kang ika'y aking sasaluhin
 Sa ngayon, ang natatangi na posible na mangyari
 Ay ang matitigan lang kita nang libre habang pinapangarap ka
 Tapos kapag pwede na, pwede bang itimbre?
 Darating din ang araw na tayo'y magsasama
 Puso'y 'di magsasawang maghintay
 Kalakip ang pag-asa na magiging tunay
 Magiging tunay, magiging tunay
 Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay
 Pero 'di basta gano'n lang kadali
 Makibagay ang tadhana, hindi pwedeng magmadali
 Sadyang mayro'ng mga bagay na kailangang unawain
 Kapain munang maigi 'tsaka bago mo kuhain
 Darating ang pagkakataon, sa 'kin ka hahalik
 Ako na'ng tagasundo mo at sa 'yo maghahatid
 Darating ang panahon, pangalan ko ang kakabit
 Ng pangalan mo at sa altar kita ihahatid
 Kaya nga ako sa 'yo ay laging ganado na mag-abang
 Umasang 'di titigil at pag-ibig, 'di magtatabang
 Ano man ang mangyari, kahit mayro'n pang mga hadlang
 Lahat sila panis at ang katulad mo ay sa 'kin lang
 Darating din ang araw na tayo'y magsasama
 Puso'y 'di magsasawang maghintay
 Kalakip ang pag-asa na magiging tunay
 Magiging tunay, magiging tunay
 Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay
 Oh-oh, oh-oh-oh
 Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay
 Oh-oh, oh-oh-oh
 Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay
 Darating din ang araw na tayo'y magsasama
 Puso'y 'di magsasawang maghintay
 Kalakip ang pag-asa na magiging tunay
 Magiging tunay, magiging tunay
 Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:52
Key
7
Tempo
106 BPM

Share

More Songs by Ex Battalion

Albums by Ex Battalion

Similar Songs