Walang Kapalit (feat. Slick One)

Lyrics

Sana ay may kakayanan ako na pagalingin ang lahat ng sugat mo
 na natamo sa mga nakalipas na araw mo
 Alam ko ang mga hirap mo na hindi mo lang sinasabi (sinasabi)
 kahit na pilit mong tinatago (tinatago)
 ang mga kumikirot sa puso mo (sa puso mo)
 Nandito naman ako lagi sa tabi mo sinta imposible ma'y aabutin ko
 Para lang mapadama ko sa iyo na dito sa piling ko
 Tanging hiling ko lang ay maging kalmado na ang isipan mo
 Laban sa mapaglarong mundo pwede bang palipasin mo
 na ang lungkot na laging nagpapaluha sa ulap ng damdamin ko
 Dalangin ko sana'y lagi kang masaya (masaya) sa piling ko sinta...
 Sana ay kaya ko (kaya kong) ibigay ang buong mundo sayo
 at nang malaman mo kung ga'no ka kahalaga sa puso ko
 Sa buhay ko sana'y hindi kana mawala pa sakin
 Kasi nakakandado na ang puso ko sa pag-ibig mo Walang Kapalit...
 Ramdam ko ang pait at taimtim
 (at taimtim) mong tinitiis lahat ng 'yong problema
 Dahil sa mga nangyaring mga kaganapan na pangit ang eksena
 Nandito lang ako laging sandalan mo hindi mo man aminin ang gitara
 nang pusong may lungkot bawat tipa musika'y balisa damang dama
 Parati man walang kibo hindi ibig sabihin non
 lahat ay baliwala lang sakin lagi akong nasa paligid subukan mong lumingon
 At kahit kailanganin mo lang ako kapag kailangan mo ako
 ang mapangiti ka at mapasaya ka yan ang kailangan kong gawin,
 araw at buwan iaalay sayo
 Handa kong gawin ang lahat mapanatag kalang ay sapat na
 Makita ko lang ang ngiti sa labi mo...
 Sana ay kaya ko (kaya kong) ibigay ang buong mundo sayo
 At nang malaman mo kung ga'no ka kahalaga sa puso ko
 Sa buhay ko sana'y hindi kana mawala pa sakin
 Kasi nakakandado na ang puso ko sa pag-ibig mo Walang Kapalit...
 Hindi ko man maipapangako ang lahat ng yaman sa mundo
 Ang tanging pangarap ko lamang ay kahit na simpleng ikaw at ako
 Ikaw at ako at wala ng iba magkasama tayo sa lungkot at saya
 Pag ikaw ay kayakap na (kayakap na) tila ba nililipadpad
 sayo na napadpad ang aking damdamin
 Mahal na mahal kita (kapiling kay langit) ang syang nadarama
 Nang dahil sayo ang mundo ko'y nagbabago
 Makita ko lang na may ngiti sa labi mo O ang saya
 Minamahal kita ang syang nadarama
 ang mundo ko'y nagbabago ikaw ay Walang Kapalit...
 Sana ay kaya ko (kaya kong) ibigay ang buong mundo sayo
 At nang malaman mo kung ga'no ka kahalaga sa puso ko
 Sa buhay ko sana'y hindi kana mawala pa sakin
 Kasi nakakandado na ang puso ko sa pag-ibig mo Walang Kapalit... 2x
 

Audio Features

Song Details

Duration
06:07
Tempo
117 BPM

Share

More Songs by Curse One'

Similar Songs