Nabihag Mo, Pt. 2 (feat. Lux Breezy)

Lyrics

One night, ako'y nasa tagay session
 Kasama ang mga Breezy Boyz, may konting conversation
 Kamusta, Dhon, kamusta, Blink?
 Kamusta, Lux, kamusta, Slick?
 Masaya ako't magkakasama tayo ngayon
 Pero paabot muna ng stick ng Marlboro na pula, mali, puti pala
 Pero 'di na ako magpapaligoy-ligoy pa
 Sabi ko sa 'yo, may sasabihin ako mamaya
 Ako'y nahihiya, huwag na lang kaya?
 Aaminin ko, inilihim
 Kaso mukhang 'di mo talaga 'ko papatulugin
 Ang kulit-kulit mo, sabi mo
 'Di ka rin makakatulog 'pag 'di ko sinabi 'to sa 'yo
 Pero pa'no ko ba sisimulan?
 Ako'y talagang kinakabahan
 Buti na lamang, kahit na papa'no ay nakahanap ako ng paraan
 Malamang ika'y maguluhan 'pag sinabi ko sa 'yo
 Mahal na kita, ako ay nabihag mo
 Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
 Kung ga'no ka kabait sa 'kin
 Sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa 'tin
 Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
 Salamat at naamin sa 'yo, ako ay nabihag mo
 (Lux Breezy!)
 Ipinapangako ko kung makikita kita
 Ay hindi na magdadalawang-isip na sabihin na
 Ako 'yung dati na sa 'yo'y nakatingin
 Pwede ba 'kong lumapit, pwede ko bang sa 'yo tanungin na
 'Di ba ikaw 'yung babaeng anghel na dumaan sa 'king harapan?
 Para bang nabuang, talagang ganiyan ang pakiramdam ko kasi
 Ako'y in-love na at nahulog sa pangalawang pagkakataon
 Hindi ko na palalampasin ang bawat yugto
 Ng kabanata nating dalawa kung saan una tayong nagtagpo
 Ako'y nagulat at biglang napahinto
 Nang hinawakan mo ang aking kamay at sabay tayong umupo
 Dahan-dahan mong sinabi sa 'kin na
 "Gusto rin kita, sana no'ng una inamin mo na
 Dahil ayaw ko na sanang magpaligoy-ligoy pa
 Sasagutin kita ng "Oo" dahil mahal din kita."
 Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
 Kung ga'no ka kabait sa 'kin
 Sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa 'tin
 Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
 Salamat at naamin sa 'yo, ako ay nabihag mo
 Ilang araw na ang lumipas bago pa 'yung gabi na 'yun
 Napapansin na kita ngunit ayaw lumingon
 Ng puso ko 'pagka't masyadong mataas
 Ang paningin ko sa 'yo, aminado akong masyadong malakas
 Ang dating mo sa 'kin, kabigha-bighani ka
 Sa ningning ng iyong mata, ako'y nabato-balani na
 Ngunit parang alanganin na abutin ang tulad mo
 Parang 'di ko kakayanin
 Masyado pang kumplikado ang sitwasyon
 Ayoko naman na samantalahin ang pagkakataon
 Subali't 'di ko mapigilan ang pusong humanga diyan dahil sa kabaitan mo
 Kasalanan ba ng dalawang damdamin kung nagkakaintindihan 'to?
 Na-na-na-nabihag mo, part two
 Kung mayro'n akong mamahalin hanggang huli, that's you
 "Thank God, I found you", parang kanta ni Mariah
 Tayo lamang dalawa laban sa mundong madaya
 Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
 Kung ga'no ka kabait sa 'kin
 Sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa 'tin
 Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
 Salamat at naamin sa 'yo, ako ay nabihag mo
 Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
 Kung ga'no ka kabait sa 'kin
 Sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa 'tin
 Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
 Salamat at naamin sa 'yo
 Ako ay nabihag mo
 Ako ay nabihag mo
 Ako ay nabihag mo
 Yeah, ako ay nabihag mo
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:40
Key
9
Tempo
160 BPM

Share

More Songs by Curse One'

Similar Songs