Pinagpala (feat. Mark Fiasco and Young Homee)

Lyrics

Yeah, we about to do it again!
 It's another one, yeah
 Young Homee man, Young Homee man
 Mark Fiasco, Mark Fiasco
 Curse One (Curse One) Curse box what's up?
 Everybody just bounce, bounce, bounce
 Everybody just feel the music
 Safe Tunes, baby
 May kislap na parang bituin sa puso ko
 Matamis na panaginip tila nagkatotoo
 Sa 'yong pagdating sa buhay ko anong sigla
 Pakiramdam ko ay masaya (masaya)
 Sa yakap mo'y napapayapa ang isip ko
 Tunay ka ngang biyaya kaya ako'y mapalad
 Dahil na sa 'kin ang magandang binibini sa loob man o labas
 Walang kawangis ang katangian
 Walang makakatumbas sa pag-ibig na wagas
 Ako ay parang nasa alapaap (nasa alapaap)
 Oh, anong gaan ng pakiramdam ko
 Kapag ikaw ay kasama
 Ako'y parang nasa ulap, ulap, ulap, ulap
 Kapag ikaw ang kausap, usap, usap, usap
 Isa kang anghel na mula sa langit
 Ako ay pinagpala, dahil sa 'yo
 Ako ay pinagpala, dahil sa 'yo
 Ako ay pinagpala
 Ah, 'di ka na dapat pang mag-alala, ah
 'Pag kasama ka ako'y kuntento na, ah
 Pwede tayong maglakbay kahit pa saan
 Habang mag kahawak ng kamay, ah
 Mga nakikita mo lamang sa imahinasyon mo ay
 Gawin nating tunay lagyan nating kulay
 Parang mga bata na naglalaro ng krayola
 'Di alintana ang mga problema sa buhay, buhay, ah
 Ako'y pinagpala bigla ni bathala
 Sa likod ng mga nagawa kong sala
 Ay iyong tinama isa kang biyaya na galing sa kanya, ah
 Simple lang naman ang hiniling ko sa taas
 Sobra yung pinadala, 'la pang katumbas
 Bawat pangyayari sa 'tin aking susulitin
 'Di magdadalawang isip na ito'y ulit ulitin ang sarap
 Ako ay parang nasa alapaap (nasa alapaap)
 Oh, anong gaan ng pakiramdam ko
 Kapag ikaw ay kasama
 Ako'y parang nasa ulap, ulap, ulap, ulap
 Kapag ikaw ang kausap, usap, usap, usap
 Isa kang anghel na mula sa langit
 Ako ay pinagpala dahil sa 'yo
 Ako ay pinagpala, dahil sa 'yo
 Ako ay pinagpala
 Pinagpala ng Diyos Ama
 Tanging dalangin habang buhay magkasama
 Hulog ka ng langit hindi ko inaasahan
 Sa 'kin babagsak ang tulad mong aking pinapantasya
 'Di ko akalain, may biyayang anghel na paparating
 Sugatang damdamin, puso kong nababalutan ng tinik
 Ikaw ang nagpagaling
 Talaga namang swerte, ang mapadpad ka sa tabi ko
 Tamang tama lang ang pagpana sa 'tin ni kupido
 Hinding hindi na lalayo, nandito lang para sa 'yo
 Aalagaan ka hanggang oras natin ay huminto
 Madilim na landas, ikaw ang nagbigay liwanag
 'Pag kasama lagi akong napapanatag
 Salamat at ikaw ay dumating
 Wala nang hahanapin sa 'yo lang nakatingin
 Ako ay parang nasa alapaap (nasa alapaap)
 Oh, anong gaan ng pakiramdam ko
 Kapag ikaw ay kasama
 Ako'y parang nasa ulap, ulap, ulap, ulap
 Kapag ikaw ang kausap, usap, usap, usap
 Isa kang anghel na mula sa langit
 Ako ay pinagpala dahil sa 'yo
 Ako ay pinagpala dahil sa 'yo
 Ako ay pinagpala
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:36
Tempo
110 BPM

Share

More Songs by Curse One'

Similar Songs