Paraluman (feat. Mark Fiasco)

Lyrics

Sinong 'di maaakit
 Sa katangian mong taglay
 Paraluman
 Hayaan mo 'kong mahimlay
 Sa 'yong kanlungan masisilungan
 Sa tuwing umuulan
 Ang kalungkutan, pahintulutan
 Na ikaw ay mahagkan
 Madaming nagsasabi na madami daw sila
 'Sing dami ng buhok kung bibilangin ang hibla
 Ikaw ang bukod tangi na nagbibigay sigla
 Karayom sa dayami ang katulad mo sinta
 Gabi man o umaga tanging nais matanaw
 Ay 'yong mga ngiti na pumapawi sa ginaw
 Tulad ng kalangitan na ang kulay ay bughaw
 Wala ng ibang nais sa 'king buhay ay ikaw
 Oh, paraluman ika'y pinagpala
 Ang kagandahan tulad sa mga tala
 Ang katangian mo'y 'di pangkaraniwan
 Kung mamarapatin lang, akin ka nalang
 Paraluman
 Paraluman
 Hindi makabasag ng pinggan, pinong-pino gumalaw
 Balingkinitang katawan
 'Sing init ng tag-araw
 Nakakaakit pakinggan ang malumanay mo na himig (malumanay mo na himig)
 Musika sa 'king tenga ang mala dyosa mo na tinig (ang mala dyosa mo na tinig)
 Madaming nagsasabi na madami daw sila
 'Sing dami ng buhok kung bibilangin ang hibla
 Ikaw ang bukod tangi na nagbibigay sigla
 Karayom sa dayami ang katulad mo sinta
 Gabi man o umaga tanging nais matanaw
 Ay 'yong mga ngiti na pumapawi sa ginaw
 Tulad ng kalangitan na ang kulay ay bughaw
 Wala ng ibang nais sa 'king buhay ay ikaw
 Oh, paraluman ika'y pinagpala
 Ang kagandahan tulad sa mga tala
 Ang katangian mo'y di pangkaraniwan
 Kung mamarapatin lang, akin ka nalang
 Larawan mo lang ang naaaninag sa 'king pag pikit (paraluman)
 Ikaw ang laging nakikita kahit saan tumingin
 Hinahangaan ka kahit ano mang angulo ng pagtayo
 Daig mo pa ang klima kapag tag init
 Nakakauhaw ka pa din
 Ako may nalulunod na
 Sa taglay mong ganda walang katulad ibang klase ka
 Ikaw ay bituin sa gabi
 Pinapaliwanag mo ang paligid sa tuwing madilim
 At huling huli ang panlasa hiling ay makasama
 Ka ng matagal kung mapagbibigyan ng tyansa
 Imahe mo'y sa imahinasyon nananatili
 At sa dami ng nasali ay ikaw yung lakambini
 Napili kitang paglulan nitong aking pansin
 Malalim ang kahulugan nitong aking pagtingin
 Hatiin mo ang puso ko at ating pagsaluhan
 Dahil pag-ibig ay wagas para sa 'yo paraluman
 Madaming nagsasabi na madami daw sila
 Ikaw ang bukod tangi na nagbibigay sigla
 Gabi man o umaga tanging nais matanaw
 Ay 'yong mga ngiti na pumapawi sa ginaw
 Tulad ng kalangitan na ang kulay ay bughaw
 Wala ng ibang nais sa 'king buhay ay ikaw
 Oh, paraluman ika'y pinagpala
 Ang kagandahan tulad sa mga tala
 Ang katangian mo'y 'di pangkaraniwan
 Kung mamarapatin lang, akin ka nalang
 Paraluman
 Paraluman
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:57
Key
1
Tempo
95 BPM

Share

More Songs by Curse One'

Similar Songs