Ligaw Tingin

Lyrics

Di ko naman ninais na magustuhan kita
 Sa paningin ko ikaw ay sobrang ganda
 Isa kang diwatang
 Nakakapukaw ng mata
 Sa lakas ng dating mo sakin
 Di ka maalis sa isipan ko
 Ako ay nabihag mo
 Ng di sinasadya
 Kung pwede nga lang sana ikaw ay sakin nalang
 Kaso hindi ata pwede
 Dahil masyadong mataas ang katulad mo
 Kaya hanggang ligaw tingin nalang ako sayo
 At kung sasabihin ko man to sayo baka mapahiya
 Lamang ako kaya
 Hanggang ligaw tingin nalang ako sayo
 Dahil di kita kayang abutin
 Kuntento ng ikaw ay nakikita ko
 Sa panaginip nalang kita mahahagkan
 Hindi na bale, basta ika'y nasisilayan ko'y ayos na
 Masilayan lang kita ay buo na ang araw ko
 Lumiliwanag ang mundo
 Mga larawan mo palagi ang tinitignan ko
 Lungkot ay napapawi napapalitan ng saya
 Pag magulo ang isipan ko iyong tinutuwid
 Sa makatuwid, ikaw ay gamot pag merong pighati
 Na nararamdaman sana ay kapiling kita
 Gagawin lahat para sayo kahit mahirap pa
 Susungkitin ang mga bituin kahit na malabo na
 Maabot ko 'to na para bang ikaw
 Papano ko susundin ang sigaw
 Ng pusong tinatanaw ay ang tulad mo
 Eh hanggang dito nalang sa sulat ko
 Kayang idaan ang damdaming nagsasabing ikaw ay
 Sundan ko
 Pero ang kausapin ka ng harapan ay di ko kaya
 Pagpasensyahan mo na ko sana kahit
 Hanggang ligaw tingin nalang ako sayo
 Dahil di kita kayang abutin
 Kuntento ng ikaw ay nakikita ko
 Sa panaginip nalang kita mahahagkan
 Hindi na bale, basta ika'y nasisilayan ko'y ayos na
 Di ko lubos maisip kung bakit ako ay tinamaan sayo
 Lalo na pag ikaw ay nakangiti, ang ganda ganda
 Mong tignan pagmasdan
 Ang sarap mong yakapin sinta
 Ano man ang isuot mong damit ay yong nadadala
 Kahit di kulay pink ay ang tamis mo sa mga mata ko
 Walang halong green sa isip ko
 Muka mo ang laging nakikita ko
 Ewan ko ba bakit ba nahuhulog na yata sayo
 Ang puso kong 'to na lubos na nabighani sa tulad mo
 Hindi ko akalain
 Na ako ay iibig sa isang tulad mo
 Ngunit pano ba, anong aking magagawa
 Ako'y walang lakas ng loob
 Hanggang ligaw tingin nalang ako sayo
 Dahil di kita kayang abutin
 Kuntento ng ikaw ay nakikita ko
 Sa panaginip nalang kita mahahagkan
 Hindi na bale, basta ika'y nasisilayan ko'y ayos na
 Hanggang ligaw tingin nalang ako sayo
 Dahil di kita kayang abutin
 Kuntento ng ikaw ay nakikita ko
 Sa panaginip nalang kita mahahagkan
 Hindi na bale, basta ika'y nasisilayan ko'y ayos na
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:02
Key
5
Tempo
93 BPM

Share

More Songs by Curse One

Albums by Curse One

Similar Songs