Kailangan Kita

Lyrics

Ooh, woah, woah
 Woah, hoo, woah, woah, woah
 Oh, yeah
 'Di ko alam kung ano ako kapag ikaw ay wala
 Sa piling ko, oh, oh, ooh-oh
 Kailangan kita, kailangan ka ng puso ko
 Sana ay 'di mo lisanin at (ah)
 Pabayaan na nag-iisa dito sa 'ting mundo
 Sana ay mawala na ang pangangamba
 Sabihin mong mahal mo din ako
 At kailan ma'y sa 'kin hinding-hindi ka lalayo
 Dahil hindi ko kakayanin 'pag ika'y nawala sa 'kin, sinta (sinta)
 Ako'y alipin ng pagmamahal mo
 Lahat ay gagawin ko para sa 'yo
 Oh, kamahalan ko
 Kailangan kita sa buhay ko (sa buhay ko)
 Ikaw ang aking mahal at nag-iisa ka lamang sa puso ko
 Napakahaba man ng daan
 Sa dulo ay ikaw pa rin at ako (ikaw pa rin at ako)
 Sana ay 'wag kang bumitaw ('wag kang bumitaw)
 Sana'y 'wag mo 'kong iiwan, oh, mahal ko
 Walang sinoman ang papalit sa 'yo (sa 'yo)
 Sa mga pinaramdam mo sa 'kin (sa 'kin)
 Pag-ibig na wagas, walang makakatumbas
 Salamat sa 'yo, sana ay hindi ka magbago
 Dahil ikaw lang ang gusto kong makasama sa mga bukas na darating
 Ngunit alam kong marami pang haharapin
 Ano mang problema'y kakayanin nating dalawa
 Basta nand'yan ka, lahat ay makakaya
 Sa lambing at yakap mo, ang isip ko'y napapayapa
 Gumagaan itong nadarama dahil sa 'yo
 Kailangan kita sa buhay ko (sa buhay ko)
 Ikaw ang aking mahal at nag-iisa ka lamang sa puso ko
 Napakahaba man ng daan
 Sa dulo ay ikaw pa rin at ako (ikaw pa rin at ako)
 Sana ay 'wag kang bumitaw ('wag kang bumitaw)
 Sana'y 'wag mo 'kong iiwan, oh, mahal ko
 Ooh, ikaw ang dahilan kung bakit bumabangon
 Ikaw ang umakay sa 'kin nu'ng ako ay nadapa
 Ikaw ang nagtulak sa 'kin upang magawa ko
 Ang mga bagay na akala ko ay imposible
 Ikaw ang inspirasyon sa awiting puno ng dedikasyon, yeah
 Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko (sa buhay ko)
 Biyaya ng langit ang isang katulad mo
 'Di ko lang masabi sa iyo nang harapan
 Dahil baka pagtawanan mo
 Pero ganu'n pa man, totoo ang lahat ng ito
 Kailangan kita sa buhay ko (sa buhay ko)
 Ikaw ang aking mahal at nag-iisa ka lamang sa puso ko
 Napakahaba man ng daan
 Sa dulo ay ikaw pa rin at ako (ikaw pa rin at ako)
 Sana ay 'wag kang bumitaw ('wag kang bumitaw)
 Sana'y 'wag mo 'kong iiwan, oh, mahal ko
 Kailangan kita sa buhay ko (sa buhay ko)
 Ikaw ang aking mahal at nag-iisa ka lamang sa puso ko
 Napakahaba man ng daan
 Sa dulo ay ikaw pa rin at ako (ikaw pa rin at ako)
 Sana ay 'wag kang bumitaw ('wag kang bumitaw)
 Sana'y 'wag mo 'kong iiwan, oh, mahal ko
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:39
Tempo
77 BPM

Share

More Songs by Curse One

Albums by Curse One

Similar Songs