Inspirasyon

Lyrics

Ako ay nag-iisa (nag-iisa)
 Sa madilim na sulok ng mundo
 Kasabay ng pagpatak ng ulan ang
 Mga luhang dumadaloy sa mga mata ko
 Animo'y pasan pasan ko lahat
 Sa aking likuran
 Ang mga problemang sa tingin ko'y
 Hindi ko kayang lampasan
 Buti nalang at ika'y dumating sa buhay ko
 Binigyang liwanag mo ang isip ko (isip ko)
 Pinayungan mo ako sa malakas na bagyo
 Sa loob ng damdamin ko
 Sa kabila ng mga pighati at hirap ko (at hirap ko)
 Alam kong darating ang araw na
 Matatapos din lahat ng 'to (matatapos din lahat ng 'to)
 Basta para sayo ay kakayanin ko
 Lahat lahat ng ito (Lahat lahat ng ito)
 Ikaw ang dahilan kung bakit nagiging matatag
 Ikaw ang direksyon ko sa mundong to
 Ikaw ang inspirasyon ko
 Wag kang panghihinaan dapat lumaban ka
 Sa ano mang problema wag mong hayaan na
 Mabalutan ng dilim ang sarili mo
 Wag ka ng dumagdag sa pait ng mundo
 Tibayan mo lang ang kalooban mo
 Sa ano mang sitwasyon
 Dahil alam kong kaya mong malampasan lahat
 Pakawalan mo lamang ang siyang nagpapabigat
 Sa isip mo't damdamin
 Sundin ang gusto mo
 Dahil ikaw lang din ang nakakaalam
 Ng mga bagay na'to
 Hawak mo ang susi ng solusyon nasan ba yon
 Wag kang mag-alala mahahanap mo rin yon
 Basta steady lang
 Gawin mo ang dapat mong gawin
 Na merong positibong pag-iisip
 Sa kabila ng mga negatibong sumisilip
 Dahil sayo ay magpapakatatag ako
 Ikaw ang inspirasyon ko
 Sa kabila ng pighati at hirap ko
 Alam kong darating ang araw na
 Matatapos din lahat ng 'to (matatapos din lahat ng 'to)
 Basta para sayo ay kakayanin ko
 Lahat lahat ng ito (lahat lahat ng ito)
 Ikaw ang dahilan kung bakit nagiging matatag
 Ikaw ang direksyon ko sa mundong 'to
 Ikaw ang inspirasyon ko
 Sa tuwing nasa baba ang pakiramdam ko
 Ikaw ang nagbibigay ng lakas ng loob
 At nagtutulak sakin upang magawa ko ang mga bagay na di ko
 Inakala kaya kong gawin
 Dahil ikaw ang inspirasyon ko
 Sa kabila ng mga pighati at hirap ko (at hirap ko)
 Alam kong darating ang araw na
 Matatapos din lahat ng 'to (matatapos din lahat ng 'to)
 Basta para sayo ay kakayanin ko
 Lahat lahat ng ito (lahat lahat ng ito)
 Ikaw ang dahilan kung bakit nagiging matatag
 Ikaw ang direksyon ko sa mundong to
 Ikaw ang inspirasyon ko

Audio Features

Song Details

Duration
03:51
Key
9
Tempo
140 BPM

Share

More Songs by Curse One

Albums by Curse One

Similar Songs