Sana'y Maghintay Ang Walang Hanggan

4 views

Lyrics

Doon ka, dito ako
 Hindi magkatagpo
 Tawag ko'y 'di marinig
 Ba't kay layo mo?
 Lapitan man ay 'di mo matanaw
 Bingi't bulag sa akin ay walang pakiramdam
 Sayang na pagmahahal
 Paano nang pag-ibig kong walang hanggan?
 Sana'y maghintay ang walang hanggan
 Hanggang makilala mong ako ang 'yong mahal
 Baka ko matutuhan kita'y kalimutan
 Baka pangako ko'y dumating sa kailanman
 Sana'y maghintay ang walang hanggan
 Sana ang iyong paglingap ay muli kong matikman
 Subalit kung paglimot ay 'di mapigilan
 Alalahanin mong kay tagal kitang hinintay
 Narito
 Ang puso kong
 Inilaan sa'yo
 Pagod na, nanginginig
 Baka magtampo
 Naghihintay ang labi kong uhaw
 Handog nito'y ligayang 'di mapapantayan
 Sayang na pagmamahal
 Parang hangin lamang sa iyo'y nagdaan
 Sana'y maghintay ang walang hanggan
 Hanggang makilala mong ako ang 'yong mahal
 Baka ko matutuhan kita'y kalimutan
 Baka pangako ko'y dumating sa kailanman
 Sana'y maghintay ang walang hanggan
 Sana ang iyong paglingap ay muli kong matikman
 Subalit kung paglimot ay 'di mapigilan
 Alalahanin mong kay tagal kitang hinintay

Audio Features

Song Details

Duration
04:27
Key
6
Tempo
81 BPM

Share

More Songs by Zsa Zsa Padilla

Albums by Zsa Zsa Padilla

Similar Songs