Paminsan-Minsan

4 views

Lyrics

Paminsan-minsan, naaalala pa rin kita
 Kahit ngayon, mayro'ng nagmamahal na ngang iba
 Tuwing maiisip itong damdamin, nagbabalik
 At para bang nariyan ka pa sa aking tabi
 Muling nadarama ang yakap mo, natitikmang muli ang halik mo
 Naririnig, sinusumpang ako ay mahal mo
 Paminsan-minsan, ang alaala mo'y nagbabalik
 At aaminin ko, hanggang ngayon, ika'y iniibig
 Hinihiling ko na kahit nasa'n ka man
 Isipin mo ako na kahit paminsan-minsan lang
 Paminsan-minsan, tinititigan larawan mo
 Unti-unting pumapatak ang luha ko
 Pinagsisihan lahat ng aking pagkukulang
 Kaya ikaw nga sa akin ay lumisan
 Kahit ngayon, mayro'n akong iba, kahit sinasabing mahal ko s'ya
 Sa puso ko, ikaw pa rin ang mahal ko
 Paminsan-minsan, ang alaala mo'y nagbabalik
 At aaminin ko, hanggang ngayon, ika'y iniibig
 Hinihiling ko na kahit nasa'n ka man ngayon
 Isipin mo ako na kahit paminsan-minsan lang

Audio Features

Song Details

Duration
04:20
Key
4
Tempo
80 BPM

Share

More Songs by Zsa Zsa Padilla

Albums by Zsa Zsa Padilla

Similar Songs