Minsan Pa

2 views

Lyrics

Kay tagal ko nang pangarap at laging nang dasal
 Pag-ibig na sadyang wagas
 Ngunit waring kay ilap ng palad kong ito
 At ako'y patuloy na bigo
 O pusong kay sakit, ala-alang kay pait
 At kung muling balikan ang lahat ng nagdaan
 Tila walang pang minahal at walang natagpuan
 Nais ko sanang mag-isa't huwag nang umibig pa
 Kung 'yan man ay tototo at manatili sa mundo
 Na walang buhay, walang kulay, walang nagmamahal
 Ngunit kung ako'y maghihintay
 Umasa pa't umibig pang muli
 Minsan pa
 Minsan pa akong nangarap
 At sanay maganap
 Sa iyo'y ibibigay lahat
 Narito ka ngayo't kailanman ikaw ang langit ko
 Tanging ningning ng buhay ko
 Halina sa piling ko
 Alisin ang takot ko
 At sa muli'y malasap ang pag-ibig na ganap
 At ang pangarap na mundo ay matupad sa piling mo
 Ayaw ko na muling mabuhay pang nag-iisa
 Ikaw ang simula't wakas, ang ngayon at ang bukas
 Ikaw ang pag-asa habang buhay, mahal pa rin kita
 At hanggang wagas, pag-ibig ko'y sadyang wagas
 Ngayon at kailanman
 Oh, ikaw ang simula't wakas, ang ngayon at ang bukas
 Ikaw ang pag-asa habang buhay, mahal pa rin kita
 At hanggang wagas, pag-ibig ko'y sadyang wagas
 Ngayon at kailanman
 Minsan pa

Audio Features

Song Details

Duration
04:28
Key
4
Tempo
136 BPM

Share

More Songs by Zsa Zsa Padilla

Albums by Zsa Zsa Padilla

Similar Songs