Hiram

2 views

Lyrics

May isang umagang 'di mo hahagkan
 Ang mata kong 'di ka magigisnan
 Turuan mong ako'y huwag masaktan
 Kahit ako, para sa iyo ay isang hiram
 At hindi dapat magdamdam
 'Di mo lang alam na kahit pa mali
 Naging langit ang bawat sandali
 Magmula nang halik mo'y dumampi
 Pag-ibig mo, pag-ibig ko, kapwa hiram
 Wala ka bang pakiramdam?
 'Di ba, ako'y tao lang
 Na nadadarang at natutukso rin?
 Maiaalis mo ba sa 'kin na matutuhan kang mahalin
 Sa bawat sandaling hiram natin?
 'Di ba, ako'y tao lang
 Na nadadarang at natutukso rin?
 Maiaalis mo ba sa 'kin na matutuhan kang mahalin
 Sa bawat sandaling hiram natin?
 ♪
 May isang umagang 'di mo hahagkan
 Ang mata kong 'di ka magigisnan
 Turuan mong ako'y huwag masaktan
 Kahit ako, para sa iyo ay isang hiram
 At hindi dapat magdamdam
 Oh, hiram na kung hiram
 Bawat saglit, wala ako isa mang hinanakit
 Basta't kapiling ka'y langit
 Walang sa 'yo ay papalit
 Hinding-hindi ako sa 'yo magdaramdam
 Kahit hiram
 ♪
 Hiram
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:08
Key
3
Tempo
66 BPM

Share

More Songs by Zsa Zsa Padilla

Albums by Zsa Zsa Padilla

Similar Songs