Magpakailanman

2 views

Lyrics

'Di magwawakas hanggang sa dulo ng mundo
 Ang kalinga ko'y asahan mo
 Kahit pa ano'ng landas ay tatahakin ko
 Upang tayo'y 'di magkalayo
 Sana'y laging kapiling
 'Yan ang aking dalangin
 Magpakailanman, hindi magbabago
 Ang sinisigaw nitong aking puso
 Magpakailanman, magpakailanman
 ♪
 Sa t'wing kinakailangan mo'y narito ako
 Handang dumamay sa iyong lungkot
 Habang-buhay ay hinding-hindi maglalaho
 Ang himig natin ay aawitin ko
 Sana ay pakinggan
 Tayo ay walang hanggan
 Magpakailanman, hindi magbabago
 Ang sinisigaw nitong aking puso
 Magpakailanman, magpakailanman
 ♪
 Narito ang tinig ko, tumatawag sa 'yo (tumatawag sa 'yo)
 Sana ay buksan ang 'yong puso (ang 'yong puso)
 Magpakailanman, hindi magbabago
 Ang sinisigaw nitong aking puso
 Magpakailanman (magpakailanman), magpakailanman (magpakailanman)
 Magpakailanman
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:57
Tempo
120 BPM

Share

More Songs by Wency Cornejo

Albums by Wency Cornejo

Similar Songs