Hanggang

Lyrics

Ilang ulit mo nang itinatanong sa 'kin
 Kung hanggang saan?
 Hanggang saan, hanggang kailan?
 Hanggang kailan magtatagal ang aking pagmamahal?
 Hanggang may himig pa akong naririnig
 Dito sa 'ting daigdig
 Hanggang may musika akong tinataglay
 Kita'y iniibig
 Giliw, 'wag mo sanang isipin, ikaw ay aking lilisanin
 'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
 At nais kong malaman mo kung ga'no kita kamahal
 ♪
 Hanggang ang diwa ko'y tanging sa 'yo laan
 Mamahalin kailanman
 Hanggang pag-ibig ko'y hanggang walang-hanggan
 Tanging ikaw lamang
 Hanggang may himig pa akong naririnig
 Dito sa 'ting daigdig
 Hanggang may musika akong tinataglay
 Kita'y iniibig
 Giliw, 'wag mo sanang isipin, ikaw ay aking lilisanin
 'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
 At nais kong malaman mo kung ga'no kita kamahal
 ♪
 Hanggang may puso akong marunong magmahal
 Na ang sinisigaw ay lagi nang ikaw
 Hanggang saan, hanggang kailan? Hanggang kailan kita mahal?
 Hanggang ang buhay ko'y kunin ng Maykapal
 Giliw, 'wag mo sanang isiping ikaw ay aking lilisanin
 Hindi ko magagawang lumayo
 Hanggang may pag-ibig, laging isisigaw
 Tanging ikaw
 Laging isisigaw
 Tanging ikaw
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:01
Tempo
84 BPM

Share

More Songs by Wency Cornejo

Albums by Wency Cornejo

Similar Songs