Ambon

Lyrics

Ano'ng nararamdaman
 Tila ba'y nasasakupan
 Lumbay at kalungkutan
 Nais mo bang ika'y makaraos din
 Di ba't pananampalataya
 Kailangan upang makaahon
 Sa delubyong iyong nararanasan
 At sa kasawian na dulot ng panahon
 Ambon lang yan (ahh)
 Ambon lang yan (ahh)
 Kalangitan ay umiitim
 Naupos ang ilaw ng mga bituin
 At sa paglipas ng oras ika'y napaiyak
 Mga luhang tumulo buhat ng iyong pagtitimpi
 Di ba't ang Diyos ang siyang liwanag
 Sa dulo ng madilim na daan
 Sa kanya lamang manalangin
 At wag nang tumungo pa kung kahit saan-saan
 Ambon lang yan (aaah)
 Ambon lang yan
 Yayain mo ako sa yong jeepney
 Sa makulay at magara mong jeepney
 Na ang biyahe ay patungong langit
 Kahit na signal no. 3, tayo ay magsisiawit
 Kung ako'y sinusumpong, daglian mong ibubulong
 Ambon lang yan (ahh)
 Ambon lang yan (ahh)

Audio Features

Song Details

Duration
04:22
Tempo
109 BPM

Share

More Songs by True Faith

Similar Songs