Mahal Kita

Lyrics

Irog
 ♪
 Lagi kitang iniisip
 'Yun lang ang tangi kong alam gawin
 Basta't nandito ka lamang
 'Yun lang ang aking kailangan
 Ikaw lamang ang aking ligaya, ikaw ang awit at aking tula
 Pag-ibig mo ay aking buhay; 'wag kang lilisan, ako'y malulumbay
 'Wag mo sanang kalilimutan
 Ang ating naging sumpaan
 Magpahanggang kailan pa man
 Pag-ibig ko'y iyong asahan, irog
 ♪
 Sisirin man ang dagat o akyatin man ang bundok
 Ang puso ko'y ikaw pa rin ang s'yang tinitibok
 Sungkitin ko ang bituin pati na rin ang buwan (buwan)
 Maging akin ka lamang lagi, ngayon at kailanman
 Lagi kitang iniisip (lagi kitang iniisip)
 'Yun lang ang tangi kong alam gawin (lagi kitang iniisip)
 Basta't nandito ka lamang (lagi kitang iniisip)
 'Yun lang ang aking kailangan
 Aanhin ko pa ang ganda ng umaga
 Kung wala ka rin lang sa piling, sinta?
 Ngiti mo'y lagi kong naaalala
 Maging sa pagtulog, pangalan mo'y binabanggit
 Mahal na mahal na mahal kita
 (Ang puso ko'y ikaw pa rin ang s'yang tinitibok)
 Mahal na mahal na mahal na mahal kita
 (Ang puso ko'y ikaw pa rin ang s'yang tinitibok)
 Mahal na mahal na mahal kita
 (Ang puso ko'y ikaw pa rin ang s'yang tinitibok)
 Mahal na mahal na mahal na mahal kita (lagi kitang iniisip), irog
 (Lagi kitang iniisip) Irog
 (Lagi kitang iniisip)
 (Lagi kitang iniisip)
 (Lagi kitang iniisip)
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:48
Key
2
Tempo
78 BPM

Share

More Songs by Tropical Depression

Albums by Tropical Depression

Similar Songs