Bagyo, Bagyo

4 views

Lyrics

Bagyo, bagyo, anurin mo ang dungis ng katilingban
 Sa bayang tila nagmamaliw
 Pawiin ang uhaw ng mga tigang na damdamin
 Hugasan ang poot ng mga pusong nangingitim
 Bagyo, bagyo, ikalat mo ang kuwento ng pag-ibig
 Ang tula na 'di na marinig
 Isipol ang awit kasabay ng 'yong pagdilig
 Sa lupang kay tagal nang naghihintay sa pagsapit ng tag-ulan
 ♪
 Bagyo, bagyo (bagyo, bagyo), sabihin mo (sabihin mo)
 Kailan nga ba darating?
 Pagsikat ng araw ng simula
 Sariwang hangin na mapayapa
 ♪
 Bagyo, bagyo, wasakin mo
 Pagkakahati-hati ng mga tao sa bayan ko
 Ibuhos ang galit at baka sakaling mayanig
 Ang kawalang-damdamin ng mayro'ng narinig
 Bagyo, bagyo, ikalat mo ang kuwento ng pag-ibig
 Ang tula na 'di na marinig
 Isipol ang awit kasabay ng 'yong pagdilig
 Sa lupang kay tagal nang naghihintay sa pagsapit ng tag-ulan
 ♪
 Bagyo, bagyo (bagyo, bagyo), sabihin mo (sabihin mo)
 Kailan nga ba darating?
 Pagsikat ng araw ng simula
 Sariwang hangin na mapayapa
 ♪
 Bagyo, bagyo, ulan, ulan
 Bagyo, bagyo, ulan, ulan
 Bagyo, bagyo
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:16
Key
7
Tempo
171 BPM

Share

More Songs by Tropical Depression

Albums by Tropical Depression

Similar Songs