Biyaheng Langit

4 views

Lyrics

Biyaheng langit, pare ko, ang pasada ko
 Pamasahe ay libre, magkasama lang tayo
 Pakisama lang, pare, sa kapwa tao mo
 Mahalin mo ang iba tulad ng sarili mo
 Biyaheng langit, pare ko
 Umangkas na lahat kayo
 Makasalanan din akong sakay sa biyaheng ito
 Pero sa awa N'ya'y aabot din tayo
 ♪
 Itaga mo sa bato ang sasabihin ko
 Nasa isip mo't puso ang iyong pagbabago
 Kay tagal kong naghanap ng Diyos sa 'king mundo
 S'ya pala'y naghihintay lamang sa puso ko
 Biyaheng langit, pare ko
 Umangkas na lahat kayo
 Makasalanan din akong sakay sa biyaheng ito
 Pero sa awa N'ya'y aabot din tayo
 ♪
 Ipaubaya mo na lang sa Diyos ang buhay mo
 Magmahal ka nang lubos at babalik sa 'yo
 S'ya'ng bahala sabi Niya at maniwala ka
 'Pag ang bahala ay ang Diyos, lahat, pare, ay ayos
 Biyaheng langit, pare ko
 Umangkas na lahat kayo
 Makasalanan din akong sakay sa biyaheng ito
 Pero sa awa N'ya'y aabot din tayo (aabot din)
 Makasalanan din akong sakay sa biyaheng ito
 Pero sa awa N'ya'y aabot din tayo (biyaheng langit)
 Aabot din (biyaheng langit), aabot din tayo (biyaheng langit)
 Aabot din (biyaheng langit), aabot din tayo (biyaheng langit)
 Aabot din (biyaheng langit), aabot din tayo (biyaheng langit)
 Aabot din (biyaheng langit), aabot din tayo (biyaheng langit)
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:23
Key
7
Tempo
77 BPM

Share

More Songs by Tropical Depression

Albums by Tropical Depression

Similar Songs