Lumalapit (Spoken Words)

Lyrics

At sa punto na hindi ko na kaya ang sakit
 Doon ko naisip na kailangan ko na talagang bumalik
 Hindi doon sa tao na sa akin ay nanakit
 Pero sa Kaniya na sa aki'y handang yumakap nang mahigpit
 At dahil S'ya ang unang lumapit
 Pagkakataong kailangan ko ay aking nakamit
 At nakayanan kong itulog na lang 'yung sakit
 Dahil alam kong kasabay ng paglipas ng oras
 Ang puso ko'y maghihilom din
 At dahil pag-ibig ni Hesus ay aking nabatid
 Ang iniibig kong mapanakit ay napagdesisyunan ko nang ihatid
 Doon sa lugar kung saan s'ya magiging masaya
 Ay ang lugar din kung saan ako naman ay magiging malaya
 Sa wakas ay natanggap kong hindi tayo pwede
 Dahil sabi N'ya, para sa 'kin daw, hindi lang puro kilig at tawanan
 Mayroon ding desisyon at paninindigan
 Isang mahaba at makulay na panaginip
 Masalimuot na kuwento, mabigat sa dibdib
 Ngunit pagkatapos ng mahabang dilim
 Sa yakap N'ya, ako ay nagising
 May bagong umaga na sa akin ay dumating
 ♪
 Lumalapit, lumalapit sa 'Yo
 Sana ako'y patawarin Mo
 Lumalapit, lumalapit sa 'Yo
 Pagkakataon ang kailangan ko (ayusin natin)
 Lumalapit...
 

Audio Features

Song Details

Duration
02:07
Key
2
Tempo
78 BPM

Share

More Songs by The Juans

Albums by The Juans

Similar Songs