Binibini Sa MRT
Lyrics
Nakapila na nang mahaba, umalis pa naman nang maaga 'Kala ko araw ay sira na nang bigla kang makita Binibining kay ganda, tulala nang panandalian Sa mga pasaherong nag-uunahan Oh, kuyang guwardiya, pasensiya na 'Di ko namamalayang nakatapak na 'ko sa yellow line Alam ko na delikado, parang puso kong ito Nabibighani sa tabi ng isang marikit na binibini Mula sa Buendia station, solo mo aking attention Paligid ay nag-slow motion nang makita kita 'Di ko alam ang iyong pangalan o lugar na patutunguhan Pwede ba kitang samahan kahit na saan pa 'yan? Oh, binibining nasa MRT (hey!) ♪ Miss, ayan na ang susunod na tren Naku, miss, I'm sorry, nakasiksik ka sa akin Pero 'wag mag-alala, poprotektahan kita Sa mga nagtutulakang mga ate at kuya Hahanapan ka ng upuan, bisig ko'y pwedeng kapitan Ituturo ko ang side na bubukas sa bawat station Parang langit lang ang nararamdaman Nang bigla nang umandar ang tren, at ako'y iyong nasandalan (oh, yeah) Mula sa Buendia station, solo mo aking attention Paligid ay nag-slow motion nang makita kita 'Di ko alam ang iyong pangalan o lugar na patutunguhan Pwede ba kitang samahan kahit na saan pa 'yan? Oh, binibining nasa MRT (hey!) ♪ Basta manatiling nakahawak sa mga railing Pero kung ika'y ma-out of balance, okay lang Nandito naman ako, nasa tabi mo 'Wag mag-alala dahil sasaluhin kita (sasaluhin kita) Hanggang Trinoma Hanggang Trinoma Mula sa Buendia station, solo mo aking attention Paligid ay nag-slow motion nang makita kita 'Di ko alam ang iyong pangalan o lugar na patutunguhan Pwede ba kitang samahan kahit na saan pa 'yan? Oh, binibining nasa MRT (hey!) Binibining nasa MRT (hey!) Five, six, seven, eight!
Audio Features
Song Details
- Duration
- 03:59
- Key
- 7
- Tempo
- 100 BPM