Anghel

Lyrics

Mula nang makilala ka
 'Di na makapaniwala
 Na kahit pa magkaiba
 Tayo'y sadyang naging isa
 Sa langit ay ba't kumalas?
 Nahulog ba mula taas?
 Pakpak mo ay pakibaklas
 Nang makasama ka ng mas madalas
 ♪
 Anghel sa lupa, mananatili ka
 Hindi na hahayaang lumipad at iwan ako
 Anghel sa lupa, nahuhumaling na
 Langit nadarama 'pag kapiling kita
 
 Sana'y 'di na lumisan pa
 'Di ko yata makakaya
 Ang 'di ko na makita pa
 Pagtitig mo sa 'king mata
 Naliligaw ba ng landas?
 Nariyan ka pa kaya bukas?
 Pakpak mo ay pakibaklas
 Nang makasama ka ng mas madalas
 Anghel sa lupa, mananatili ka
 Hindi na hahayaang lumipad at iwan ako
 Anghel sa lupa, nahuhumaling na
 Langit nadarama 'pag kapiling kita
 ♪
 Dapat ba sa isang mortal
 Ang sa iyo ay magmahal?
 ♪
 Anghel sa lupa, mananatili ka
 Hindi na hahayaang lumipad at iwan ako
 Anghel sa lupa, nahuhumaling na
 Nais kong ialay ang buong buhay ko sa 'yo
 ♪
 Sa 'yo, sa 'yo
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:38
Key
11
Tempo
153 BPM

Share

More Songs by Stonefree

Albums by Stonefree

Similar Songs