Nakapagtataka

Lyrics

Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
 Mula nang tayo'y nagpasiyang maghiwalay
 Nagpaalam 'pagkat hindi tayo bagay
 Nakapagtataka
 Kung bakit ganito ang aking kapalaran
 'Di ba ilang ulit ka nang nagpaalam?
 Bawat paalam ay puno ng iyakan
 Nakapagtataka (nakapagtataka)
 Hindi ka ba napapagod
 O 'di kaya'y nagsasawa
 Sa ating mga tampuhan
 Walang-hanggang katapusan?
 Napahid na'ng mga luha
 Damdamin at puso'y tigang
 Wala nang maibubuga
 Wala na 'kong maramdaman
 Walang tigil ang ulan at nasaan ka, araw?
 Napa'no na'ng pag-ibig sa isa't isa?
 Wala na bang nananatiling pag-asa?
 Nakapagtataka (saan na napunta?)
 Hindi ka ba napapagod
 O 'di kaya'y nagsasawa
 Sa ating mga tampuhan
 Walang hanggang katapusan?
 Napahid na'ng mga luha
 Damdamin at puso'y tigang
 Wala nang maibubuga
 Wala na 'kong maramdaman
 ♪
 Napahid na'ng mga luha
 Damdamin at puso'y tigang
 Wala nang maibubuga
 Wala na 'kong maramdaman
 Kung tunay tayong nagmamahalan
 Ba't 'di tayo magkasunduan?
 Oh-whoa, whoa-oh
 

Audio Features

Song Details

Duration
03:53
Key
7
Tempo
140 BPM

Share

More Songs by Sponge Cola

Albums by Sponge Cola

Similar Songs