Problema Na Naman
4
views
Lyrics
Problema na naman Suyang-suya na ako Nananakit na ang tenga ko Sa kaseselos mo Problema na naman Lagi kang nakabantay Wala ka nang patawad, giliw Maging sa kaibigan Ako'y umaalis ng bahay upang dumayo (upang dumayo) Maghapon na sa gawain, 'sang katerba ang pagod (pagod ko) Pagdating ko sa inyo, tuhod ko'y nangangatog Sa t'wing kita'y dinadalaw, ngiti mo ay manggang hilaw Mukha mo'y nakasimangot, ah Problema na naman Lagi na lamang ganyan Sadyang wala na bang katapusan Ang hirap mo sa buhay? ♪ Kapag tayo'y namamasyal, lagi kang nangungurot Kapag mayro'n akong natitigan, puso mo'y nadudurog Sadyang mahal kitang tunay, 'yan ay 'di ko malilimot Ngunit kapag laging ganyan, parati kang nang-aasar Ako'y nabubugnot, ah Problema na naman Suyang-suya na ako Nananakit na ang tenga ko Sa kaseselos mo Problema na naman Lagi na lamang ganyan Sadyang wala na bang katapusan Ang hirap mo sa buhay? Sadyang wala na bang katapusan Ang hirap mo sa buhay?
Audio Features
Song Details
- Duration
- 02:33
- Key
- 2
- Tempo
- 143 BPM