Pagkakataon

Lyrics

Nabuhay muli ang damdamin
 Nang magtagpo ang landas natin
 Kay tagal nating 'di nagkita
 Binibining kay ganda, kumusta ka?
 Wala ka pa ring pinagbago
 Kinikilig pa rin 'pag tinititigan mo
 Sa kilos mong mapang-akit
 Mga balahibo ko'y tumitindig
 Kung dati'y 'di ko nagawa ang magtapat
 Ngayon, handa na 'kong gawin ang nararapat
 'Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
 'Di na kita iiwasan pa, hindi tulad noon
 'Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
 Upang sabihin na mahal na mahal kita
 Naglakas-loob ako na lumapit (ang pisngi mo'y namumula)
 Upang marinig ang malambing mong tinig
 Nang makita kang lumalapit
 Tibok ng puso ko'y bumibilis
 Noon ay hindi para sa isa't isa
 Ngayon, tadhana na ang s'yang nagdidikta
 'Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
 'Di na kita iiwasan pa, hindi tulad noon
 'Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
 Upang sabihin na mahal na mahal kita
 Ngayon, nandito ka muli
 Pangako ko, ikaw lang ang iibigin
 Kung pwede lang naman (kung pwede lang naman)
 Kung pwede lang naman
 Kung pwede lang naman hanggang sa huli
 'Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
 'Di na kita iiwasan pa, hindi tulad noon
 'Di ko na palalagpasin ang pagkakataon
 Upang sabihin na mahal na mahal kita
 Mahal kita
 Mahal kita
 Mahal kita

Audio Features

Song Details

Duration
04:23
Key
9
Tempo
80 BPM

Share

More Songs by Shamrock'

Similar Songs