I Love You Too

Lyrics

Magkikita tayo
 Kinakabahan ako
 Hinahanda ko pa ang sasabihin ko
 Sinisiguro ko na hindi magkakamali
 Itong nadarama
 Kailangang malaman mo
 Sabihin kaya agad
 Kung gaano kita kamahal
 O maghihintay na lang
 Hanggang mapalapit sayo
 Umiwas ka kaya
 Kung magtatapat ako
 Matatanggap mo ba
 Ang pag-ibig kong ito
 Dumating din ang oras
 Na pinapangarap ko
 Bakit walang nasabi
 Parang napipipi
 Wala na kong alam
 Na iba pang paraan
 Upang iyong malaman
 Ang aking nadarama
 Kundi ang sabihing
 I love you
 Tumawa kang bigla
 Di ako nagtataka
 Ako'y walang nasabi
 Sarili sinisisi
 Nais ko namang
 Magpaliwanag sayo
 Subalit iyong pinigil
 Ang aking sinasabi
 Nang iyong sabihing
 I love you too

Audio Features

Song Details

Duration
02:38
Key
7
Tempo
137 BPM

Share

More Songs by REY VALERA

Albums by REY VALERA

Similar Songs