Babaero

Lyrics

Kailan nga ba tayo unang nagkakilala
 Mula noong ako'y naging sa 'yo?
 'Di mo man lamang inisip na mahal kita, sinta
 Tibok ng puso ko'y iyong-iyo
 Ngunit bakit tila yata biglang naglaho na?
 Tamis ng 'yong pag-ibig, 'di na nadarama
 Kung ika'y nagbibiro, sana'y tapusin na
 At 'wag na lang sabihing ako'y
 Ba-babaero, ba-babaero
 Ba-babaero daw ako
 Sino'ng nagsabi? Makakating labi
 Di-di-di, 'di naman totoo
 Puro imbento, sari-saring kuwento
 Basta't sa 'yo lang ako
 'Wag ka na sanang magduda, 'wag nang mag-alala
 Ang tsismis ng tsismosa'y iwasan na
 'Di ko kayang sugatan, 'di ko kayang saktan
 'Di ko yata makakayang ika'y palitan
 Ibibigay kong todo, pahirapan man ako
 Upang mapatunayang ako'y tapat sa 'yo
 Sana'y paniwalaang ikaw ang mahal ko
 'Wag na lang sabihing ako'y
 Ba-babaero, ba-babaero
 Ba-babaero daw ako
 Sino'ng nagsabi? Makakating labi
 Di-di-di, 'di naman totoo
 Puro imbento, sari-saring kuwento
 Basta't sa 'yo lang ako
 Araw-araw kong napapansin
 Pag-iwas mo sa 'kin
 'Di malaman ang gagawin
 Sabihin mo sa akin ang 'yong tunay na hangarin
 'Wag na 'wag mo lang isiping may karibal ka sa 'kin
 Ibibigay kong todo, pahirapan man ako
 Upang mapatunayang ako'y tapat sa 'yo
 Sana'y paniwalaang ikaw ang mahal ko
 'Wag na lang tawaging ako'y
 Ba-babaero, ba-babaero
 Ba-babaero daw ako
 Sino'ng nagsabi? Makakating labi
 Di-di-di, 'di naman totoo
 Ba-babaero, ba-babaero
 Ba-babaero daw ako
 Sino'ng nagsabi? Makakating labi
 Di-di-di, 'di naman totoo
 Sabihin mo sa akin ang 'yong tunay na hangarin
 'Wag na 'wag mo lang isiping may karibal ka sa 'kin
 Sabihin mo sa akin ang 'yong tunay na hangarin
 'Wag na 'wag mo lang isiping may karibal ka sa 'kin
 Ba-babaero (babaero), ba-babaero (babaero)
 Ba-babaero daw ako
 Sino'ng nagsabi? Makakating labi
 Di-di-di, 'di naman totoo, oh-oh
 Ba-babaero (babaero), ba-babaero (babaero)
 Ba-babaero daw ako
 Sino'ng nagsabi? Makakating labi
 Di-di-di, 'di naman totoo

Audio Features

Song Details

Duration
05:24
Key
10
Tempo
129 BPM

Share

More Songs by Randy Santiago

Similar Songs