Paano
Lyrics
Tila ba kahapon lang Nang tayo'y nagsumpaan, 'di natin iiwan Samahang ito, magpakailanman Ngunit ano nga ba'ng nagbago? Bakit ako ay bigo sa 'yo? Sinabi mo, pag-ibig mo'y wagas Bakit ngayon, tila wala nang bukas? Pa'no ba kita malilimutan kung buhay ko sa 'yo'y nilaan? Kahit anong pilit, 'di magawang limutin ang ating nakaraan Pa'no ba kita malilimutan kung sa 'yo pa rin nakalaan? Itong pusong 'to, nagsusumamo kung paano ♪ Ikaw ba ay nalinlang? O sadyang gano'n ka lamang? Nais kong malaman Bakit lumisan? Ano'ng dahilan? Bakit pa pinagtagpo, kung mundo ko pala'y guguho? Sinabi mo, pag-ibig mo'y wagas Bakit ngayon, tila wala nang bukas? Pa'no ba kita malilimutan kung buhay ko sa 'yo'y nilaan? Kahit anong pilit, 'di magawang limutin ang ating nakaraan Pa'no ba kita malilimutan kung sa 'yo pa rin nakalaan? Itong pusong 'to, nagsusumamo kung paano Sinisigaw ng aking puso Pangalan mo, hanggang pagtulog ko Magpahanggang ngayon, umaasa Na tayong dalawa'y magkasama Sa habang panahon, mamahalin kita Pa'no ba kita malilimutan kung buhay ko sa 'yo'y nilaan? Kahit anong pilit, 'di magawang limutin ang ating nakaraan Pa'no ba kita malilimutan kung sa 'yo pa rin nakalaan? Itong pusong 'to, nagsusumamo kung paano
Audio Features
Song Details
- Duration
- 04:15
- Key
- 2
- Tempo
- 128 BPM