Ikaw Sana

Lyrics

Isang tanong, isang sagot
 Wala na ngang ikot-ikot
 Gusto ko lang liwanagin
 Ako ba'y mahal mo rin?
 Nakita ko sa kilos mo
 Na may tibok rin ang puso
 Wala ka lang sinasabi
 Bitin tuloy ako
 Ang hirap naman ng lagay ko
 Di pwedeng mauna sa'yo
 Kailan ko ba maririnig
 Na 'kin ang 'yong pag-ibig?
 Isang tanong isang sagot lang ang akin
 Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin?
 Kapag inamin mong ako'y mahal mo... Oh... Oh.
 Hanggang langit ang lundag ko
 Isang tanong isang sagot lang ang akin
 Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin?
 Kapag inaming mong ako'y mahal mo... Oh... Oh.
 Hanggang langit ang lundag ko
 Bawat araw na magising
 Pag-ibig ko'y lumalalim
 Hangga't hindi mo aminin
 Lalong nabibitin
 Sa lambing na napapansin
 At lagkit ng iyong tingin
 Ano pa bang iisipin
 Sa ibig sabihin?
 Tapusin mo na nga ang pag-ikot
 Ng isipan at puso ko
 Ngayon sana ay marinig
 Na 'kin ang 'yong pag-ibig
 Isang tanong isang sagot lang ang akin
 Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin?
 Kapag inamin mong ako'y mahal mo... Oh... Oh.
 Hanggang langit ang lundag ko
 Isang tanong isang sagot lang ang akin
 Ako ba ang nilalaman ng 'yong damdamin?
 Kapag inamin mong ako'y mahal mo... Oh... Oh.
 Hanggang langit ang lundag ko
 Oohoooh...
 Isang tanong isang sagot talaga ang akin
 Ako ba ang mahal ng puso at damdamin
 Sige na aminin mong ako'y mahal mo... Oh. Oh.
 Hanggang langit lundag ng puso ko

Audio Features

Song Details

Duration
03:38
Key
7
Tempo
134 BPM

Share

More Songs by Melissa Gibbs

Similar Songs