Ipangako Sa Akin
4
views
Lyrics
Bakit pa sa iyo lang nadama? Sa damdamin ay kakaiba— Pintig ng puso ko'y nakapagtataka; Dati ay pangarap lang kita, Sabi ko'y di na iibig pa Ngunit bakit laging hinahanap kita? Sana'y ikaw na nga ang langit, Ang langit ng pag-ibig ko; Bakit ikaw sa panaginip Ng puso at isipan ko? Puso'y muling iibig at ito'y sa iyo— Ipangako mo sa akin Na walang hanggan ang pag-ibig mo. Aaminin kong mahal kita At nalaman kong ikaw pala Ang siyang magbigay sa akin ng saya; Sana ay huwag nang magbago pa Ang pag-ibig mo at pagsinta Dahil ayoko nang muling masaktan pa. Sana'y ikaw na nga ang langit, Ang langit ng pag-ibig ko; Bakit ikaw sa panaginip Ng puso at isipan ko? Puso'y muling iibig at ito'y sa iyo— Ipangako mo sa akin Na walang hanggan ang pag-ibig mo. Sana'y ikaw na nga ang langit, Ang langit ng pag-ibig ko; Bakit ikaw sa panaginip Ng puso at isipan ko? Puso'y muling iibig at ito'y sa iyo— Ipangako mo sa akin Na walang hanggan ang pag-ibig mo. Ang pag-ibig mo. Ang pag-ibig mo.
Audio Features
Song Details
- Duration
- 03:56
- Key
- 9
- Tempo
- 124 BPM