Ngayon At Kailanman

4 views

Lyrics

Ngayon at kailanman
 Sumpa ko'y iibigin ka, ngayon at kailanman
 Hindi ka na mag-iisa, ngayon at kailanman
 Sa hirap o ginhawa pa, asahang may kasama ka, sinta
 Naroroon ako t'wina
 Maaasahan mo t'wina
 Ngayon at kailanman
 Dahil kaya sa 'yo
 Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo?
 Upang sa araw-araw ay s'yang makapiling mo
 Upang ngayon at kailanman, ikaw ay mapalingkuran, hirang
 Bakit labis kitang mahal?
 Pangalawa sa Maykapal
 Higit sa 'king buhay
 Sa bawat araw. ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
 Lalong tumatamis, tumitingkad
 Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
 Na daig ng bawat bukas
 Malilimot ka lang
 Kapag ang araw at bituin ay 'di na matanaw
 Kapag tumigil ang daigdig at 'di na gumalaw
 Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y magunaw na
 Hanggang doon magwawakas
 Pag-ibig kong sadyang wagas
 Ngayon at kailanman
 Sa bawat araw, ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
 Lalong tumatamis, tumitingkad
 Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
 Na daig ng bawat bukas
 Labis kitang mahal
 Pangalawa sa Maykapal
 Ngayon at kailanman
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:49
Key
2
Tempo
130 BPM

Share

More Songs by Mark Bautista

Albums by Mark Bautista

Similar Songs