Viva Movie Theme Songs: Sana'y Wala Nang Wakas

Lyrics

Kahit ilang awit ay aking aawitin
 Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
 Kahit ilang dagat ay dapat tawirin
 Higit pa riyan ang aking gagawin
 Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
 Tiwala sa isa't isa'y kailangan
 Dati mong pag-ibig, wala akong pakialam
 Basta't mahal kita, kailan pa man
 Mahal kita, basta't mahal kita
 Iniisip nila ay hindi mahalaga
 Mahal kita, maging sino ka man
 Gaano kadalas ang minsan lang kang mahagkan?
 'Sindalas na rin ng dami ng bituing waring walang-hanggan
 Dahil sa labi ko'y laging nararamdaman
 Kahit sandali, halik mo'y dumampi, minsan
 Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
 Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
 Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
 At minsan pang matuklasan, hapdi'y walang kasingdalas
 'Di ko na alam, muli pang mag-isa
 Mula nang makapiling ka
 Dahil ako'y umaasa na lagi kang kasama
 Laban sa mundo ay tayo lang dalawa
 Sinasamba kita
 Higit sa 'yong akalang iniibig lang kita
 Paggalang ko sa 'yo'y higit sa buhay kong taglay
 Wala na yatang papantay
 Ang buhay ma'y ibibigay ko pa
 Sinasamba kita
 Kung anumang dahila'y hindi mahalaga
 Basta't sinasamba kita
 'Di lang pagmamahal ang siyang nadarama
 Pa'no ko maipipinta? Kulang ang kulay nila
 Para mailarawan ka, sinta, ah
 Kahit konting pagtingin kung manggagaling sa 'yo
 Ay labis ko nang ligaya dahil sa ikaw ay mahal ko
 Kahit konting pagtingin kung manggagaling sa 'yo
 Ay labis ko nang ligaya dahil sa ikaw ay mahal ko
 Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
 Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal
 Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
 Kung kapalit nito'y itong paglaho mong pagtingin
 Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal
 Sa piling mo ngayon, ako'y bituing walang ningning
 Nakukubli sa liwanag at kislap ng ating pag-ibig
 'Di lamang pag-ibig ko
 'Di lamang ang buhay kong ibibigay
 Sa ngalan ng pag-ibig mo
 Higit pa riyan, aking mahal, ang alay ko
 

Audio Features

Song Details

Duration
07:33
Key
7
Tempo
132 BPM

Share

More Songs by Janno Gibbs

Albums by Janno Gibbs

Similar Songs