Hangang-hanga Ako Sa Iyo

Lyrics

Yeah
 Uh-huh (ha-ha-ha)
 No'ng una kitang makita, 'di kita pinapansin
 Kahit na ano pa'ng iporma, sadya namang walang dating
 Nang ika'y makasama na, ba't nabago ang pagtingin?
 Sa kakayahang tinatago mo, nabihag pati damdamin
 Tuwing ikaw ay nakakasama, ang dibdib ko'y kumakaba
 Litong-lito sa mga gawain 'pagkat lagi mong napapansin
 Ano pa nga ba'ng dapat gawin kundi ang nais mo ay sundin?
 Katulad mo'y hinahangaan ko, galing mo'y tularan din
 Hangang-hanga ako sa iyo, oh, kay galing-galing mo
 Ibang-iba ka sa karamihan, 'di kita malilimutan
 'Di ko na mapigilan pa, matuwa't humanga sa 'yo, oh
 Sana'y 'wag magbago 'pagkat 'to'y totoo, may paghanga ako sa iyo
 Nang makamit ang pangarap dahil sa t'yaga at sikap (dahil sa iyo)
 Itong tagumpay na naranasan, sa 'yo, aking inaalay
 Wala na nga akong mahihiling, salamat sa lahat ng ito
 Asahan mong isasaisip ko na galing lahat sa iyo
 Hangang-hanga ako sa iyo, oh, kay galing-galing mo
 Ibang-iba ka sa karamihan, 'di kita malilimutan
 'Di ko na mapigilan pa, matuwa't humanga sa 'yo, oh
 Sana'y 'wag magbago 'pagkat 'to'y totoo, may paghanga ako sa iyo
 ♪

 Hangang-hanga, ang galing-galing mo, oh-oh, oh-oh-oh, oh-oh
 (Hangang-hanga ako sa iyo)
 Hangang-hanga, hangang-hanga
 Hang-hang-hanga (ha-ha) sa iyo
 Hangang-hanga
 
Audio Features

Song Details

Duration
04:26
Key
5
Tempo
125 BPM

Share

More Songs by Janno Gibbs

Albums by Janno Gibbs

Similar Songs