Sana

Lyrics

Heto na naman, nakakalat sa daan
 Naghihintay ng jeep na aking masasakyan
 Ngayo'y wala ka na, sinta, wala nang halaga
 Ang ako ay mapadpad kahit saan
 Oh, heto na naman, palaboy-laboy lang
 Mukha mo'y hinahanap sa bawat paglakbay
 Kung bakit ba ang nais mo'y 'di ko pinagbigyan
 'Di sana ay kasama ka pa sa daan
 Sana'y magkasabay sa paglakbay, sana
 Landas mo at landas ko'y 'di na nagkahiwalay
 Isa lang ang ating daan
 Isa rin ang patutunguhan
 Kapag ang puso'ng s'yang pinagbigyan
 Oh, heto na naman, pagala-gala lang
 Nakatungtong sa bus, patungo ay 'di alam
 Kung bakit ba ang nais mo'y 'di ko pinagbigyan
 'Di sana ay kasama ka pa sa daan
 Sana'y magkasabay sa paglakbay, sana
 Landas mo at landas ko'y 'di na nagkahiwalay
 Isa lang ang ating daan
 Isa rin ang patutunguhan
 Kapag ang puso'ng s'yang pinagbigyan
 ♪
 Isa lang ang ating daan
 Isa rin ang patutunguhan
 Kapag ang puso ang s'yang pinagbigyan
 

Audio Features

Song Details

Duration
04:55
Tempo
116 BPM

Share

More Songs by Janno Gibbs

Albums by Janno Gibbs

Similar Songs