May Minamahal

Lyrics

May minamahal bawat taong may damdamin
 May minamahal tulad mo at tulad ko
 Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
 At ngayo'y nagmamahalan nang tapat
 'Pag nagmamahal, bawat sandaling kasiping kay anong bilis
 Bawat oras ay mayro'ng kasaysayang anong sarap
 Anong tamis (anong tamis)
 Maligaya nga ang taong nagmamahal
 Kaya't ako'y napaligaya
 Ng tunay mong pagmamahal
 Ang lahat ng kagandahan ay nasa 'yo
 Ningning ng mata, lambot ng labi
 At ugaling walang kapintasan
 Nababalot ng alindog katawang tunay
 'Pag minamahal, kulay rosas ang paligid ko sa tuwi-tuwina
 Nakayapak sa ulap, buong mundo'y nagagalak
 Na mayroong (na mayroong)
 Nagtatalik na dal'wang pusong nagmamahal
 Kaya't tayo'y magpasalamat
 Sa ating kapalaran
 Nasa atin ang kaganapang hinahanap
 Ng bawat nilalang na may puso rin
 Dahil tayo'y hindi magbabago hangga't may buhay
 May minamahal bawat taong may damdamin
 May minamahal tulad mo at tulad ko
 Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
 Kaya't habang may pag-asa kayo
 Humanap ng pag-ibig na totoo
 Saka lang liligaya (saka lang liligaya)
 Kung mayro'n nang tunay na minamahal
 May minamahal bawat taong may damdamin
 May minamahal tulad mo at tulad ko
 Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
 Kaya't habang may pag-asa kayo
 Humanap ng pag-ibig na totoo
 Saka lang liligaya (saka lang liligaya)
 Kung mayro'n nang tunay na minamahal
 Kung tunay na minamahal

Audio Features

Song Details

Duration
04:20
Key
3
Tempo
157 BPM

Share

More Songs by Hajji Alejandro

Similar Songs