Nakilala

Lyrics

Kay tagal ko nang hinahanap
 ang tunay na galak
 sa buhay na ang lahat ay di sapat
 di makapagpasalamat
 ang lahat ng dapat kong gawin
 parang ang hirap sundin
 pilit kong ituon ang pansin
 sa mga bagay na kay ganda sa paningin
 ngunit nang mapasa-akin
 tila walang ibig sabihin
 nang ika'y aking nakilala
 nawala ang lahat ng mga problema
 kay gaan ng aking nadarama
 pagkat kasama kita
 Hangad ko lang naman na malaman ang sagot
 sa problemang pinasok
 ngunit ako'y takot
 na harapin ang pagsubok
 oh di ko malaman, di ko maintindihan
 kung ano bang pinagmulan
 nais ko lang makamtan
 ang ganap na kasiyahan
 (repeat)
 magmula nang ika'y aking nakilala
 nawala ang lahat ng mga problema
 kay gaan ng aking nadarama
 pagkat kasama kita
 Bridge
 o kay sarap nang mabuhay
 dahil sa iyo'y nagkaroon ng kulay
 dulot mo'y pagibig na tunay
 at walang hangganang buhay
 Coda
 sa iyo ko lang nakita, tanging ikaw wala nang iba
 sa iyo ako'y may buhay, punong puno ng kulay...
 (repeat till fade)

Audio Features

Song Details

Duration
04:35
Tempo
93 BPM

Share

More Songs by Freestyle

Albums by Freestyle

Similar Songs