Bakit Iniwan Na

2 views

Lyrics

Naaalala pa ang kahapon na kay sarap at kay sigla
 Naglaho na lang bigla
 Akala'y ako lang ang iniisip mo, ang iibigin mo
 Hanggang, hanggang magpakailanman
 Ngunit pa'no nangyari na may mahal ka nang iba?
 Pag-ibig kong ito'y nilisan mo na
 Bakit iniwan na ang puso kong ito?
 Bakit iniwan na ang pag-ibig ko sa'yo?
 Malilimutan ba kaya kita, sinta?
 Ano nang gagawin ng puso kong ito
 Ngayong wala ka na?
 Pinangarap na ikaw, makakasama ko
 Makakapiling ko sa habang buhay
 Pag-ibig na tunay
 Binigay na ang lahat-ahat ng oras
 At ang pagmamahal sa'yo
 Para lamang sa'yo
 Ngunit pa'no nangyari na may mahal ka nang iba?
 Pag-ibig ko sa'yo'y nilisan mo na
 (Bakit iniwan na) Ang puso kong ito?
 (Bakit iniwan na) Ang pag-ibig ko sa'yo?
 Malilimutan ba kaya kita, sinta?
 Ano nang gagawin ng puso kong ito
 Ngayong wala ka na?
 Ang matatamis na mga alaala nating dal'wa
 Tanging 'yan lang ang natitira (whoa)
 Ngunit pa'no nangyari na may mahal ka nang iba?
 Pag-ibig kong ito'y nilisan mo na
 (Bakit iniwan na) Ang puso kong ito?
 (Bakit iniwan na) Ang pag-ibig ko sa'yo?
 Malilimutan ba kaya kita, sinta?
 Ano nang gagawin ng puso ko? (Ano nang gagawin ng puso ko?)
 Ano nang gagawin ng puso kong ito
 Ngayong wala ka na?
 Ngayong wala ka na

Audio Features

Song Details

Duration
05:40
Key
4
Tempo
110 BPM

Share

More Songs by Freestyle

Albums by Freestyle

Similar Songs